Queen of all gold diggers! Handsome American scammed, P25M lost to Pinay GF - The Daily Sentry


Queen of all gold diggers! Handsome American scammed, P25M lost to Pinay GF






Mga larawan hango mula sa Youtube/Raffy Tulfo in Action
Manila, Philippines - Dumulog sa programa ni Mr. Raffy Tulfo ang isang amerkanong kinilalang si RJ Russel, kasama ang kapatid nitong si Kevin Russel upang ireklamo ang kanyang Pinay na kasintahan at humingi na din ng tulong kay sir Raffy Tulfo.

Akala ni Russel ay nakahanap na sya ng tunay na pag-ibig at makakasama habang-buhay sa katauhan ng pinay na girlfriend. *



Pinagtagpo ngunit tinadhana nga ba?

Isang IT consultant ang nasabing Amerkano, na naka-assign sa Middle East, kung saan sila nagkakilala ng kasintahang Pinay na si Adora Ramos.
Isang OFW naman si Adora sa middle east gaya ng inaasahan, ngunit nang madestino sa Afghanistan si Russel, hindi na maaring sumama sa kanya ang nobya.
Kaya naman nagpasya ng umuwi na lang sa Pilipinas si Adora sa kabila ng pangako nilang magkasintahan na magsasama na.
Pahayag ng dayuhan, halos umabot na sa 25 milyong piso ang nakulimbat sa kanya ng nobyang pinay.
Naunang humingi daw si Adora sa Amerkanong nobyo ng pera upang bumili ng isang bukid at makapagpatayo ng sari-sari store para sa pamilya ni Adora na umabot sa ilang milyong piso.


Di kalaunan muli pang humirit na bumili pa ng ilang mga bukirin at magpatayo ng bahay para sa pamilya ng nobya.* 


Mga larawan hango mula sa Youtube/Raffy Tulfo in Action


Buong tiwalang nagmahal, ngunit panloloko ang kapalit

Buong tiwalang ibinigay daw ni RJ ang kanyang pera kay Adora para mapaghandaan ang kinabukasan ng kanilang magiging pamilya sa Pilipinas.

Hanggang sa nagpasya na nga ang amerkano na magbakasyon sa Pilipinas upang makapiling si Adora. At dito na nga nya nalaman na halos wala naman palang kinapuntahan ang mga perang pinapadala nya.
Huli na ang lahat bago pa man nya madiskubre na niloloko lang pala sya ni Adora. Maging ang mga pera daw ng amerkano na pinapadala sa bank account ng GF ay wala na rin di umano.
Kwento pa ni RJ, sinubukan pa raw ilihim ito ni Adora sa kanya, dahil sa tuwing kinakailangan nilang magtransfer ng pera mula sa mga bank accounts nito ay may nangyayari hindi maganda upang ma-distract ang atensyon ng amerkano.
Gaya na lamang noong panahon na nagbabakasyon si RJ sa Pilipinas upang makapiling si Adora, bigla na lamang nasunog ang bahay nito kung saan sila ay naninirahan. *

Perang para sana sa kanilang kinabukasan, naglaho na

Alam ni RJ na ang nangyaring sunog sa bahay ni Adora ay hindi aksidente bagkus ito ay sinadya upang mapagtakpan ang tunay na issue tungkol sa kanilang mga pera. Bagaman walang ebidensya si Rj, kaya hindi nya ito mapapatunayan.*
Nakatakda na raw sana silang lumuwas ng Maynila para pumunta sa bangko nung araw na masunog ang bahay ng nobya upang magwidraw ng pera. Napapansin ni Rj na nagkakaroon ng aberya sa tuwing susubukan nilang ayusin ang tungkol sa pera.
Simula nang malaman ng amerkano na wala na ang kaniyang pera na umaabot na sa milyon-milyong halaga, naging mailap na ang nobya sa kanya.
Bukod pa dito, nag-aalala si RJ at ang kanyang kapatid na si Russel na baka makaalis sa bansa si Adora dahil may plano raw itong mag-OFW muli.

Kaya naman nagpasya si RJ na bumalik ng Pilipinas kasama ang kanyang kapatid at humingi na nang tulong kay Sir Raffy Tulfo.
Agad namang nangako si Sir Raffy sa mga dayuhan na tutulungan silang mahagilap ang gold digger na nobya.
Bagamat hindi nila mapipigilan ang pag-alis ni Adora sa ngayon dahil wala pang naisasampang kaso laban dito.
Ngunit maaaring timbrehan ng tanggapan ni sir Raffy Tulfo ang kapulisan para maalarma sila ukol sa nakaambang kaso ni Adora Ramos.
Hindi humarap sa panayam ng Raffy Tulfo in Action si Adora, ngunit nangako itong makikipag-usap sa muli nilang pag-uusap. *


Mga larawan hango mula sa Youtube/Raffy Tulfo in Action