Guro ng FEU sa nagreklamong magulang: Hindi kailanman magiging tama ang inasal ninyo - The Daily Sentry


Guro ng FEU sa nagreklamong magulang: Hindi kailanman magiging tama ang inasal ninyo



Larawan kuha mula sa post ni Roel Libunao
Naging baliktad ang pagtanggap ng mga netizens kasama na ang halos buong myembro ng mga guro sa bansa tungkol sa kinahinatnan ng planong pagpapatanggal ng lisensya o di kaya'y pagpapakulong kay Melita Limjuco, isang guro na namahiya umano sa eskuwelahan.

Isang guro ngayon ang sumulat ng isang Open Letter para sa magulang at lola na nagreklamo at dumulog kay Raffy Tulfo ukol sa itinuturing nilang pamamahiya na ginawa doon sa estudyante.


Inireklamo ng lolang si Salve Bañez at ng nanay ng bata na si Rosemil Edroso si Limjuco dahil pinahiya daw nito ang kanyang estudyante, kung saan pinalabas niya ang bata sa silid aralan.

Ayon kay Roel Libunao, isang guro ng Social Studies sa Far Eastern University (FEU) sobrang hirap na ang maging isang guro ngayon. Lahat ng hirap at pagod ay ginagawa nila, ngunit sa huli ang lahat ng mali ay sa kanilang mga guro parin isinisisi.

Larawan kuha mula sa Daily Sentry

Salaysay din niya na sana ay pinag-usapan nalang ang naging problema sa pribadong pamaraan at hindi na sana pinangalandakan pa sa buong mundo.

Iginiit niyang lumakas lang din ang loob ng pamilyang nagreklamo laban kay Ginang Limjuco dahil sa pagkampi sa kanila ni Raffy Tulfo at hilinging matanggalan ng lisensya sa pagtuturo ang guro.

Ito ang kanyang naging buong liham: 

OPEN LETTER PARA SA MAGULANG NA ITO, AT SA NANAY NIYA

Ang hirap na maging GURO ngayon. Lahat ng pagpapagal ginagawa ng mga GURO pero in the end ang mali laging isinisisi sa Guro.

In the first place kayo po ang Magulang ng bata. Sana pinagusapan ninyo iyan ng PRIBADO at kayo lang ang nakakaalam na hindi na kinakailangan pang ibroadcast sa buong mundo. Ang masakit pa dito, kinampihan pa kayo ni Tulfo kahit ang totoo napaka-unfair dahil gusto ninyong mawalan ng lisensiya ang Guro na nagpakahirap ng ilang taon sa serbisyo tapos matatanggalan lang agad agad ng lisensiya.


To stand in what is right is I think what I can do as a teacher also! Hindi kailanman magiging tama ang inasal ninyo sa harap ng telebisyon, and to think na kakampihan kayo ni Rafy Tulfo kaya ang lakas ng loob ninyong hilingin ang pagbawi ng lisensiya ng Guro!

At bakit naman ipatatanggal ninyo po ang lisensiya? Hukom po ba kayo? Korte, na agad-agaran ang nais ninyo matanggalan agad ng lisensiya yung teacher.

HINDI PO NAMIN GUSTONG HUMULMA NG FUTURE CRIMINALS!

Paalala ko lang po sa inyo, ang TULFO pang mag-asawa at bugbugan ang forte nyan. Dinamay ninyo pa ang bata at hindi ninyo naisip ang epekto nito sa bata in the future.

Panghuli, sino kayo para mag-utos na bawiin ang lisensiya ng Guro? Dapat tanggalan din kayo ng Birth Certificate kung ganun!

***

Source: Roel Libunao

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!