Guro nag-sorry sa mga magulang at estudyante dahil sa pambihirang mga dahilan - The Daily Sentry


Guro nag-sorry sa mga magulang at estudyante dahil sa pambihirang mga dahilan




Matapos ang kahihiyan na inabot ng guro na umano ay dumisiplina sa isang batang estudyante, samu't-saring batikos ang kinaharap ng programang Raffy Tulfo in Action.

Sa gitna ng mainit na usaping ito, isang guro ang nagsulat ng kanyang mensahe para sa mga magulang at estudyante na tila hindi maintindihan ang pinanggagalingan ng mga guro.

Sa Facebook post ni Christian Asuncion Dalupang, nagpakilala bilang isang guro, humingi ito ng paumanhin sa paraan ng kanyang pagtuturo.

Gayunpaman, tila sinabi ito ng nasabing guro sa sarkastikong paraan upang lalong maintindihan ng mga estudyante at magulang na walang ibang hangad ang mga guro kundi ang mapabuti ang mga bata.

Narito ang kanyang buong pahayag:

Para sa mga MAGULANG at mga MAG-AARAL na HINDI kami maintindihang mga GURO. (Hindi ko po nilalahat)

Una PO sa lahat, HINDI KAMI PERPEKTO!

Gusto ko lang PO sanang mag"SORRY" sa mga estudyante kong palaging inuutusan para maglinis ng classroom, cr, bintana, maglaba ng mga basahan. SORRY kung tinuturuan namin kayo kung paano maging malinis ha. Pero dahil teacher mo ako, isisi mo na lang sa akin yung pagiging TAMAD mo

Sorry nga din pala kung ang grado mo sakin ay HINDI PASADO. Hayaan mo next time ipapasa na lang kita kahit hindi ka nagpapasa ng mga requirements mo kasi baka ako pa sisihin ng nanay mo o tatay mo kung bakit hindi ka gumagawa ng mga assignments mo at projects mo. Hindi naman ako nambagsak sayo eh kundi ikaw mismo. Yung sarili mo. Pero dahil teacher mo ako, sige isisi mo na lang sakin yung pagiging IRESPONSABLE mo

Ay SORRY nga din pala nung PINAGALITAN at NAPAHIYA kita kasi nakipag-away ka ha, kasi gusto ko lang naman sanang iparamdam sayo na mali yung ginawa mo. Pero dahil teacher mo ako, sige isisi mo na lang din sa akin yung pagiging BASAGULERO mo

Meron pa pala, SORRY nga pala nung umiiyak ka at kinomfort kita ha. Hayaan mo na, hindi ko na uulitin pa baka sabihin pa nilang hinaharass kita. Dahil sa lipunan natin ngayong mapanghusga, konting kibot lang naming mga GURO ay mali na. Subukan niyo rin naman kayang tumayo sa aming kinatatayuan para malaman niyo ang tunay naming kalagayan.

Hindi kami NAGPAPAAWA dahil sa mga post. Ang gusto lang naming mga GURO ay PANG-UNAWA. HINDI KAMI PERPEKTO! NAGKAKAMALI DIN KAMI.

Kung may pinagdadaanan kayo, may pinagdadaanan din naman kami.

Kung may PROBLEMA tayo sa ating mga anak o mga GURO ay magtungo sa paaralan para mapag-usapan at masolusyonan. Hindi yung didiretso tayo kay TULFO na parang KAYO ay NAAGGRABIYADO.

DOON LANG TAYO SA TOTOO!

NAGKAKAMALI din kaming mga GURO.
NAGKAKAMALI din ang mga MAGULANG.
NAGKAKAMALI din naman ang ating mga ANAK.

HUWAG TAYONG UMAKTO NA PARANG TAYONG LAHAT AY PERPEKTO!

KAYA HUWAG NATING HUSGAHAN AGAD ANG ATING MGA GURO!

Source: Christian Asuncion Dalupang