Larawan mula sa Philippine Star |
Tinaguriang isang GRAB HERO ang driver na si Mang Romualdo Alabarca, 63 taong gulang nang makagawian na nitong magpasakay ng kahit na sinong madaanan niya na walang masasakyan sa tuwing pauwi na sa bawat araw na namamasada ito.
Tila napa-bilib naman ang maraming netizens gayon at madalang nang maka – salamuha sa panahong ngayon ang katangiang taglay tulad nang kay Mang Romualdo.
Sa nauna nang panayam nito sa Pilipino Star Ngayon, ikinagagalak umano ni Mang Romualdo ang serbisyo na kanyang nagagawa bilang pasasalamat na din sa mga biyayang kanyang natatanggap sa kanyang pagkakawanggawa.
Larawan mula sa Philippine Star |
Dagdag pa nito, hindi rin niya ugaling mamili ng pasaherong maihahatid at agad na tinatanggap ang mga ito sa tuwing mayroong booking.
Sa rutang Taft Avenue, Manila at Bacoor, Cavite, butihing sinasabay ni Mang Romualdo ang mga pasaherong makukuha nito ‘along the way’ lalo pag nalalaman niya na pauwi na ito at gawi rin sa kanyang inuuwian.
LIBRE ang sakay kung kaya’t tinatanggihan niya ang kung sino man ang nag – aabot ng pambayad sa kanya. Aniya, nakagawi-an niyang gawin ito simula’t sapul nang kanyang pamamasada.
Ang lalong pagsikat naman ni Mang Romualdo sa social media ay nag ugat sa isang Facebook Post na ibinahagi naman ng netizen na si Jeman Bunyi Villanueva kung saang isinilaysay nito sa kanyang post ang bihirang karanasan na magkaroon ng matinong LIBRENG SAKAY na katulad kay Manong Romualdo.
Larawan mula sa Philippine Star |
Narito ang nakasaad sa aktwal na post ni Jeman sa kanyang Facebook Account:
“I just met this one-of-a-kind Grab driver on my way home to Cavite. Pahirapan mag book sa may Market. Market. at na cancel ako sa first booking ko. So I tried booking Grab Share since hindi naman ako nagmamadali. In-accept ako ni manong Romualdo Alabarca, 63 years old. Pagsakay ko, he greeted me and showed his ID. I don't know what's that for pero siya na din nag explain agad na ginagawa niya talaga yun everytime na may pasahero siya. Hindi naman daw yun new policy ng Grab.
“So nakakwentuhan ko siya and I learned from him na first day niya today as Grab driver and first passenger niya ako sa Grab Share. I asked why he chooses na mag Grab eh magulo na kako. He said dati siyang Uber driver (again, he showed his Uber ID) and he's doing this for his maintenance. Awwww. (EDIT: Ang unang intindi ko dito is gamot. It turned out he's talking about his car) Na mention ko na taga Molino ako and he immediately offered na isabay na ako kasi pauwi na din daw siya. I asked how much and he said, wala na ako babayaran kasi along the way naman daw ako pauwi. Normally I'd feel hesitant kasi that's too good to be true. Pero he seems harmless naman so tatanggi pa ba ako sa good offer niya?
“On our way home, napadaan kami sa may Baclaran area and sobrang daming stranded na pasahero. Guess what? Nagsakay siya ng 3 more passenger na pa SM Molino. I'm so amazed sa ginawa niya. He told me na he likes offering free rides pag pauwi na siya. Madalas nga daw wala uma-accept ng offer niya. His only reason for doing that? Naawa siya at saka same gas din naman daw yung gagastusin niya. Told him sobrang bait naman niya and sana wag siya masyado nagtitiwala. No comment siya.
“About the 3 new passengers na sinakay niya, they're all surprised na naka free ride sila. Lahat sila nagulat at natuwa. Sobrang bait ni manong Grab driver. I'm surprised 4 1/2 stars lang ratings niya. Maybe because nalilito pa siya sa pag gamit ng Waze (that's according to him).
Anyways, I'm still giving him something bilang tulong na din sa medication niya. And a 5 star rating + review + this appreciation post dahil once in a lifetime ka lang makaka encounter siguro ng ganito kabait na tao. Saludo ako sa iyo manong "Louie" (nickname taken from the song Brother Louie). Welcome to Grab. Thank you sa napakagandang serbisyo mo. I am blessed to meet a kind-hearted person like you. May you be healthy again and that God blesses you more.”
Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:
“God bless po sir. And if you need a service of a lawyer, I’ll offer you mine free of charge! From Imus, Cavite.
“Ginawa ko din yn dati. Sa pasay rotonda. Malakas ulan non. Daming stranded. I offered my car tutal pauwi naman nako Makati. Sabi ko guadalupe libre lang. may ibang sumakay iba naman natakot. Akala siguro modus. Well, di naten sila masisisi. Sa daming naglabasang masamang balita. Napuno ko yung sasakyan. 7 sila nasakay ko and they were very thankful. Masarap sa pakiramdam.
“Nasakyan ko na toh si Kuya! Sobrang bait nya.. Nakwento nya sken yan story nya.Nakakatuwa na may katulad nyang napakalaki ng Puso sa mundong maraming walanghiya.Sana lhat ng drivers ganyan.God Bless You Kuya Rated him 5 Stars after paghatid nya sken and also commended him.
Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:
“God bless po sir. And if you need a service of a lawyer, I’ll offer you mine free of charge! From Imus, Cavite.
“Ginawa ko din yn dati. Sa pasay rotonda. Malakas ulan non. Daming stranded. I offered my car tutal pauwi naman nako Makati. Sabi ko guadalupe libre lang. may ibang sumakay iba naman natakot. Akala siguro modus. Well, di naten sila masisisi. Sa daming naglabasang masamang balita. Napuno ko yung sasakyan. 7 sila nasakay ko and they were very thankful. Masarap sa pakiramdam.
“Nasakyan ko na toh si Kuya! Sobrang bait nya.. Nakwento nya sken yan story nya.Nakakatuwa na may katulad nyang napakalaki ng Puso sa mundong maraming walanghiya.Sana lhat ng drivers ganyan.God Bless You Kuya Rated him 5 Stars after paghatid nya sken and also commended him.
****
Source: Jeman Bunyi Villanueva