Karamihan sa ating mga Pilipino ay kilala si George Herbert Walker Bush na dating naging Presidente ng United States, isa sa mga pinakamatagumpay at pinakamalakas na bansa sa buong mundo.
Siya ay ang pang 41st na Presidente ng United States kung saan siya ay namuno mula 1989 hanggang 1993 at pang 43rd na bise presidente mula 1981 hanggang 1989.
Ngunit, sa kasamaan palad, siya ay pumanaw noong Nobyember 30, 2018 sa edad na 94. Hindi lamang ang pamilya niya ang kaniyang naiwan na nagdalamhati sa kaniyang pagkamatay, ngunit pati na rin ang lahat ng tao na minahal at naging inspirasyon din siya at ang kaniyang galing sa pamumuno.
Kamakailan lamang, isang charity organization ang nagkumpirma ng pagtulong ni George HW. Bush sa isang batang Pinoy. Ayon sa Compassion International na isang organisasyong tumutulong sa sa mga batang mahihirap, si HW Bush ay pasikrektong nagbigay ng tulong para sa mga kabataang Pinoy para sila ay makapag-aral.
Ang mga bata at si Bush ay nagpalitan ng mga liham para sa isa't isa. Mapapansin sa mga liham kung gaano kalapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.
Isa sa mga natulungan ni George HW Bush ay si Timothy, sila ay nagpalitan ng liham ng sampung taon.
Narito ang isang sulat ni Bush sa batang si Timothy:
Litrato mula sa Compassion International |
"I am an old man, 77 years old, but I love kids; and though we have not met I love you already," he wrote.
"I live in Texas - I will write you from time to time - Good Luck."
Ang pagtulong ni Mr. HW Bush ay nagsimula nang sumama siya sa isang Christmas concert noong 2001 sa Washington.
Ang mga security na kasama si Mr. HW Bush ay sinabi na ang dating Presidente ay ayaw ipaalam kay Timothy ang tungkol sa kaniyang pagtulong sa bata kung kaya naman pinakilala niya ang kaniyang sarili dito bilang George Walker.
Sa isa pang sulat ni HW Bush kay Timothy ay ipinakita niya ang litrato ng kanyang aso.
|
"She is a very good dog she was born in England. She catches mice and chipmunks, and she runs like the wind."
Kahit hindi pinapayagang magpadala ng regalo ang dating presidente kay Timothy ay pasikretong binigyan niya ito ng isang booklet dahil napag-alaman niyang hilig ni Timothy ang pagdadrawing.
Sa kabilang banda ay ipinapadala naman ni Timothy ang kanyang mga drawing kay HW. Bush. Narito ang isa sa kanyang mga sulat:
Litrato mula sa Compassion International |
Litrato mula sa Compassion International |
"Dear Mr. & Mrs. Walker,
How are you? I hope you're in good condition.
I would like to thank you for not forgetting me. You're so nice and good.
God is so good to us. He gives us the body & will to get to where we want to go.
Thank you so much for the book, I like it very much."
Nung makapagtapos si Timothy sa sponsorship program sa edad na 17 ay saka lang niya nalaman na ang kanyang kausap sa mga liham ay isang presidente ng ng Amerika.
Laging gulat niya at laking pasasalamat niya kay George HW Bus sa lahat ng naitulong niya sa kanya.
Sa ngayon ay may asawa na si Timothy at may anak na tatlong taong gulang.
Litrato mula kay Timothy |
"I've been married for two years. I have a daughter. I have a job. For me, I'm successful and happy."
Ayon kay Timothy, sana ay nakilalala niya sa personal si HW Bush nung nabubuhay pa sya. "I wish I had a chance to meet him while he was still alive."