Galit na inang minaltrato ang anak na namimilipit sa sakit, sapul sa video - The Daily Sentry


Galit na inang minaltrato ang anak na namimilipit sa sakit, sapul sa video




Sa panahon ngayon kung saan halos hindi na mapagsabihan ang mga pasaway na kabataan, hindi na bago ang makakita ng mga magulang na gumagamit ng corporal punishment sa kanilang mga anak.

Ang corporal punishment o pananakit sa bata bilang pagdidisiplina ay isang makaluma at itinuturing na epektibong paraan para disiplinahin ang isang tao. Ngunit kadalasan, naaubuso ito.

Gaya na lamang ng nasa video na inupload ng isang concerned netizen na si Aldin Stoinev Alba.

Base sa 26-second video clip, labis nang nasasaktan ang bata sa ginagawa ng isang babae na tila nanay ng dinidisiplinang menor de edad.

Maririnig ang iyak ng batang nakahiga na sa sahig at nanginginig na sa takot.

"Mama ko! Mama ko! Ayaw ko na po!" pagmamakaawa ng bata na garalgal na ang boses dahil sa kakasigaw.

Halatang namimilipit na ang bata sa sakit kung kaya't inaawat nya ang kanyang nanay na patuloy syang sinasaktan.

May hawak na tali ang nanay nito na tila ginagamit nya upang igapos sa kamay ng bata. Habang nakatali ang kamay ng kanyang anak, sadya itong hinihila ng babae kaya naman ganun na lang ang sakit na naramdaman ng batang walang kalaban-laban.

Ayon sa caption ng video uploader na si Alba, may ibang paraan para patinuin ang mga anak na hindi kailangang maging bayolente.

"Meron naman paraan ng pag deciplina sa bata bakit ganito talaga?? Alam natin na nasa modern age ngayon mahirap deciplinahin ang mga bata pero wag naman po sa ganitong pamamaraan", saad ng netizen.

Ginamit din ni Alba ang hashtag na #RAFFYTULFO IN ACTION at #DSWD and #women's and children sa hangad na maaksyunan agad ang pagmamaltrato sa kawawang bata.

"Please help to share this video para makarating sa kinauukolan." dagdag pa ni Alba.

Sa kasalukuyan, ang viral video ay umani na ng 66k views, 5.4k shares, at 851 comments.

Source: Aldin Stoinev Alba