Isang dayuhan, dinala sa mall ang batang palaboy upang ibili ng pangarap na sapatos - The Daily Sentry


Isang dayuhan, dinala sa mall ang batang palaboy upang ibili ng pangarap na sapatos



Larawan mula sa Facebook

Marami sa ating mga Pilipino ang madalas nandidiri sa mga batang lansangan at merong iba naman dyan ay iniiwasan ang mga batang nanlilimos o nagbebenta ng sampaguita sa kalye.

Kung tutuusin ay sila nga dapat ang binibigyan ng tamang atensyon at pagtuunan ng tulong dahil sa sorbrang hirap ng kanilang kalagayan.

Marami sa mga batang ito ay umaga hanggang gabi ay nasa lansangan upang maghanap ng kikitaing pera upang sa ganun ay mayroong pambili ng makakain para sa kanilang kumakalam na sikmura.

Sadyang nakakaawa ang kalagayan ng iba nating mga kababayan na nasa ganitong sitwasyon ng buhay.

Ganun pa man, viral sa social media ang post ng isang netizen, kung saan ay isang dayuhan ang nag-magandang loob na tulungan ang batang lansangan na nagtitinda ng sampaguita.
Larawan mula sa Facebook
Ayon sa Facebook post ni Mara Karmela, namataan niya sa mall ang isang foreigner na pinagkakaguluhan at nagpapakuha ng litrato dito.

Hanggang sa magbayad na ang dayuhan sa counter at nakita nitong ibinigay niya ang biniling sapatos sa bata.

Matapos nito ay narinig ni Mara na nagtatanong ang foreigner sa isang empleyado ng mall kung saan ang pinaka-malapit na bilihan ng damit upang bilhan pa batang pulubi.

Basahin ang buong post ni Mara sa ibaba:

"Walked into a Nike store on my way home. Saw the sales people having their photo taken with a foreigner. I was looking around, wondering if I should have known this guy. Is he famous? (In fair, gwapo siya. Di ko lang type yung super tattoo all over his body.)
Larawan mula sa Facebook
Larawan mula sa Facebook
"He went to the counter. Paid 6,000 pesos for shoes, and gave it to this kid sitting at the corner. He was asking the girl where the nearest store for clothes were and she gave him directions to SM.

"In exchange for the shoes, the kid gave him all the sampaguita he was selling. (Naiyak po ako ng slight.) The foreigner said why don't you wear the shoes already, to which the kid replied: "Hindi po pwede. Baka kunin ng mga bata."

"So they went off to SM to buy clothes. Gusto ko silang sundan at idocument lahat. Kaso na-shy na ako.

"Both were so happy. Even the people around were watching. Hay, world! Faith in humanity restored! Salamat, Sir!

Nakaka-inspire ang ginawang ito ng dayuhan sa batang sampaguita vendor, sana ay maging magandang halimbawa ito sa bawat Pilipino na hindi kailangan pandirian o iwasan ang mga batang nanlilimos bagkus ay dapat silang bigyang atensyon at tulungan.
Larawan mula sa Facebook
Dahil dito, inulan ng positibong komento galing sa mga netizens ang ginawang kabutihan ng dayuhan.


****