Likas na sa ating mga Pilipino ang maging matulungin sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan at may mga kapansanan.
Righteous One / Larawan mula Google
Dapat ay iwasan natin ang diskriminasyon sa mga taong may kapansanan dahil tayo ang dapat makaunawa kung gaano kahirap ang kanilang pinagdaraanan.
Hindi naman maiiwasan na may ilang tao ang talagang matigas ang puso at walang konsiderasyon sa kapwa nila.
Sa isang video na kuha ng netizen, makikita ang dating Fliptop rapper na si “Righteous One” na pinapababa ng driver habang nakasakay sa isang jeepney.
Si Joshua Berenguer o mas kilala sa pangalang “Righteous One” ng Fliptop ay hindi nakakalakad dahil may kakaibang klase ng cerebral palsy.
“Dapat may kasama ka, bawal yan,” sabi ng driver.
“Alin mas bawal sa ginagawa niyo? Alam ko batas kuya hindi ako bababa rito magbabayad akong pamasahe,” sagot naman ni Berenguer.
“Ang lapit lapit ko lang eh," dagdag nito.
Bigla namang nagsalita ang isang babaeng pasahero upang ipagtanggol si Berenguer.
“Kuya malapit lang, hayaan mo na. Marami namang lalaki eh.”
“May mga lalaki naman kuya eh baka pwede silang tumulong,” sagot pa ng isang babae.
“Sige tutulungan nalang namin,” sambit ng isang lalaki.
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: Morebeats