Filipino Language, itinuturo na sa eskuwelahan sa Germany - The Daily Sentry


Filipino Language, itinuturo na sa eskuwelahan sa Germany




Larawan mula sa Philippine Embassy in Germany
Nakaka-proud bilang isang Pilipino na malamang ang wikang tagalog ay itinuturo sa ibang bansa tulad ng sa Germany.

Pinangungunahan ni Antonio Galang Jr., isang Filipino language instructor ang pagtuturo ng wikang tagalog na iniaalok para sa winter term.

Ang kauna-unahang Filipino language classes ay inilunsad sa Humboldt University, isang premier tertiary-level educational institution sa Germany na pinangunahan ng University of the Philippines instructor na si Galang jr.

Ang programang ito ay isang major components ng Philippine Studies na pinamumunuan ng Institute of Asian and African Studies.
Larawan mula sa The New York Times
Katulong din si Dr. Rosa Cordillera Castillo bilang isang program director upang mapabuti ang kaayusan ng programa.

Napag-alaman din na hindi lamang sa bansang Germany itinuturo ang wikang tagalog kundi ilang eskuwelahan din sa China ay pinag-aaralan na din ang Filipino Language.

Ayon kay Canada Premier Rachel Notley, ilan sa mga high school sa Alberta ay piangaaralan na rin ang Filipino language at patuloy pa ang pag-ooffer nito sa ilan pang eskuwelahan.
Larawan mula sa The New York Times
Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa ibaba:

Tina Kris Napakagandang balita. Mabuhay ang mga gurong Filipino 

Jinky Bill Wow. This is a good start. I meet german people who are interested to learn our Filipino language.

Madelyn Bocani Mabuti pa sa.ibang bansa sinusulong na ituro ang wikang pilipino dito sa pinas sinusulong na mawala..

****