Pursigidong estudyante, naglalako sa umaga, gasoline boy sa gabi, makatapos lang sa pag-aaral - The Daily Sentry


Pursigidong estudyante, naglalako sa umaga, gasoline boy sa gabi, makatapos lang sa pag-aaral




Christian Mark Magistrado

Kailanman ay hindi naging hadlang ang kahirapan sa taong may matayog na pangarap na nais abutin sa buhay. Isang patunay dito ang isang college student na abot langit ang pag pupursigi sa buhay upang matustusan ang kaniyang pag-aaral.

Sa isang viral post ni Analyn Pacao-Marco, nakuhanan niya ang nakakaantig at di matawarang dedikasyon ng isang naka-unipormeng estudyante sa labas ng paaralan, bitbit ang kaniyang mga panindang sitsirya at iba pang pagkain.

"I saw this student of a Community College in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang mga paninda. I can't help but to get inspired people like him. When you see people working hard for their future, nakakahiya mag-reklamo na ang hirap ng buhay," saad niya sa kanyang post.


Larawan mula sa post ni Analyn | Christian Mark Magistrado

Larawan mula sa post ni Analyn | Christian Mark Magistrado

"To those students na ang hilig mag-complain na ang hirap mag-aral, petiks mode lang, be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. Ang suwerte niyo, PROMISE," dagdag ni Analyn.

Ang estudyanteng kuha sa larawan ay kinikilalang si Christian Mark Magistrado, 28 mula sa Albay, 3rd year sa kursong Bachelor of Secondary Education.

Ayon sa kanya inilalako niya ang kaniyang mga panindang pagkain sa mga mag-aaral din sa naturang paaralan ng Daraga Community College, tuwing siya'y pumapasok sa umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Kada tuwing gabi naman, pagkalabas sa klase ay di pa natatapos ang buong araw ni Christian, na sana'y magpapahinga na lamang kasama ang pamilya, dahil derecho siya sa pinapasukang gasolinahan bilang gasoline boy hanggang alas-5 na ng umaga.

Larawan mula sa ABS-CBN News | Christian Mark Magistrado


Ang mga kinikita niya ay ibinabahgi niya at inaabot niya sa kanyang Nanay, tulong pantustos sa pagpapaaral ng kaniyang nakababatang kapatid at pandagdag sa pagkain ng pamilya.

Iniwan sila ng kanyang Amang namayapa na,kaya naman ay doble kayod siya sa pag-aaral at pagtitinda sa umaga at sideline naman sagabi.

Hindi matawaran at sadya nakaka antig ng damdamin ang kabutihan ni Christian, kaya naman hangang-hanga sa kanya ang mga guro niya lalo na si Helen Mesa na sobrang proud dahil di niya napapabayaan ang kaniyang pag-aaral kahit pa subsub ito sa trabaho.

"As a student imagine working day and night and preparation of the instruction materials is very impossible for him working 8 hours a day and attending his classes pero still an excellent student in terms of the performance in the school," pahayag ni Mesa.

Ito ang buong pahayag ni Analyn Pacao-Marco

I saw this student of a Community College in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang mga paninda. I can't help but to get inspired people like him. 

When you see people working hard for their future, nakakahiya mag-reklamo na ang hirap ng buhay. I am still blessed that I have a Mom, a Lola, Uncle Steve and relatives who helped me finish my degree. 

Every new day is a blessing, to make it better than yesterday. To those students na ang hilig mag-complain na ang hirap mag-aral, petiks mode lang, be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. 

Ang suwerte niyo, PROMISE. And to this man na nasa picture, malayo mararating mo (hindi sa paglalakad at pagtitinda. God Bless You. 

SourceAnalyn Marco, news.abs-cbn

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!