Erwin Tulfo pinagtanggol ang kapatid sa patuloy na pagbatikos ng netizens: HINDI NA BA SAPAT ANG PAGHINGI NG PAUMANHIN NGAYON? - The Daily Sentry


Erwin Tulfo pinagtanggol ang kapatid sa patuloy na pagbatikos ng netizens: HINDI NA BA SAPAT ANG PAGHINGI NG PAUMANHIN NGAYON?



Erwin Tuflo | Raffy Tulfo

Patuloy na gumawa ng ingay sa social media ang isyu tungkol sa kinasasangkutan ni Raffy Tulfo hingil sa kanyang naging aksyon laban sa isang guro na si Melita Limjuco na pinatatanggalan niya ng lisensya o ipapakulong bilang ito rin ang kahilingan ng pamilya na nagreklamo sa pamamahiya di-umano sa kanilang anak.

Dahil sa pagbulusok ng mga reaksyon ng pagkainis mula sa mga netizens, humingi ng paumanhin si Mr. Tulfo at kinausap ang mga nagreklamong magulang na pagbatiin na lamang sila at hindi na aabot sa pagpapatanggal ng lisensiya ng sangkot na guro.


Gayunpaman, marami sa mga tagasubaybay sa kanyang programa na Raffy Tulfo in Action na nananatili padin sa kanilang pagsuporta at paghanga sa kanilang Idol Raffy.

Nagpahayag din ng reaksiyon ang nakababatang kapatid ni Mr. Raffy na si Erwin Tulfo dahil sa patuloy na pagbatikos ng mga nakararami sa kaniyang kapatid.

Erwin Tuflo | Raffy Tulfo

"HINDI NA BA SAPAT ANG PAGHINGI NG PAUMANHIN NGAYON?," paunang salaysay niya.

Lahad din niyang lahat naman ay nagkakamali, at pakiwari niya'y ano pa kaya ang pagkukulang pagkatapos ng pagpapakumbaba at paghingi ng paumanhin sa nangyari.

Katuwiran din ni Erwin Tulfo na dahilan lamang sa isang pagkakamali ay kinalimutan na ng lahat at binabalewala na ang magagandang ginawang pagtulong sa mga libo-libong dumulog sa kanyang kapatid.

"Ano pa po ba ang kailangan? Dahil sa isang pagkakamali nabalewala lahat ang daan-daang libong natulungan ng programa ni Tol Raffy?,"

Mariin din niyang pinahayag na hindi niya kinokonsente ang pagkukulang at pagkakamali ng kanyang kapatid kaya humantong ito sa paghingi ng paumanhin sa mga nasaktan sa naging mga pahayag nito.



Ito ang kanyang buong salaysay: 

HINDI NA BA SAPAT ANG PAGHINGI NG PAUMANHIN NGAYON?


Larawan kuha mula sa Daily Sentry

Hind ba’t lahat tayo ay nagkakamali, bata, matanda, lalaki, babae?

Ano pa po ba ang kailangan? Dahil sa isang pagkakamali nabalewala lahat ang daan-daang libong natulungan ng programa ni Tol Raffy?

Hindi ko kinokonsente ang pagkukulang ni Tol Raffy, pero humingi na ng paumanhin ito sa guro at sa mga nasaktan sa kanyang pahayag. 

Binawi niya na rin ang opinyon niya na mag-resign si Maam dahil tanging DEPED lamang ang may karapatan mag-disiplina sa kanila.

May natutunang aral ang utol ko sa insidenteng ito. Nawa’y may natutunan din ang iba pang mga magulang at mga guro na rin sa pangyayaring ito SA BUHAY NATING LAHAT NA HINDI PERPEKTO.


Maraming salamat po.

***

Source: Erwin Tulfo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!