Magkapatid na Erwin at Raffy Tulfo |
Kamakailan ay humingi na ng dispensa si Raffy Tulfo at nagkaayos na rin ang kampo ng mag-inang Bañez at Limjuco.
Ngunit tila may mga netizens pa rin na hindi kumbinsido sa ginawang pagsorry ni Raffy Tulfo sa guro dahilan upang ang kapatid nitong si Erwin Tulfo ay naghayag ng kanyang opinyon tungkol sa issue.
Idinaan ni Erwin Tulfo ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang Facebook post. Ayon sa kanya, dahil sa isang pagkakamali ng kanyang kapatid ay nabalewala lahat ang kabutihang nagawa ng programa ng kanyang utol.
Erwin Tulfo at Raffy Tulfo |
Dagdag niya, may natutunang aral si Raffy sa insidente at sana'y may natututunan din ang iba pang mga magulang at mga guro sa pangyayari.
Narito ang buong pahayag ni Erwin Tulfo:
HINDI NA BA SAPAT ANG PAGHINGI NG PAUMANHIN NGAYON?
Hind ba’t lahat tayo ay nagkakamali, bata, matanda, lalaki, babae?
Ano pa po ba ang kailangan? Dahil sa isang pagkakamali nabalewala lahat ang daan-daang libong natulungan ng programa ni Tol Raffy?
Hindi ko kinokonsente ang pagkukulang ni Tol Raffy, pero humingi na ng paumanhin ito sa guro at sa mga nasaktan sa kanyang pahayag. Binawi niya na rin ang opinyon niya na mag-resign si Maam dahil tanging DEPED lamang ang may karapatan mag-disiplina sa kanila.
May natutunang aral ang utol ko sa insidenteng ito. Nawa’y may natutunan din ang iba pang mga magulang at mga guro na rin sa pangyayaring ito SA BUHAY NATING LAHAT NA HINDI PERPEKTO.
Maraming salamat po.
Source: Erwin Tulfo / Facebook