Desisyon ng gurong pasalihin ang 12yo na estudyante sa patimpalak, nagbunga - The Daily Sentry


Desisyon ng gurong pasalihin ang 12yo na estudyante sa patimpalak, nagbunga



Minsan kailangan nating subukang sumugal upang makamit ang tagumpay. Katulad na lamang ng isang kwento ni teacher Jerome Hermosilla ng Danao City.
Jake Baton at kanyang ina / Larawan mula kay Jerome Hermosilla 

Kwento ni Hermosilla, meron siyang isang estudyante na gustong sumali sa isang palaro, ngunit sa tingin niya ay mas mabuting huwag na lamang itong pasalihin dahil mukhang hindi naman ito kakayanin ng bata.

I didn’t allow him because he was small,” saad ni Hermosilla.

Ngunit namangha si Hermosilla sa ipinakitang dedikasyon ng 12-year-old na si Jake Baton. Kwento niya, nag-eensayo ang bata sa pagtakbo habang walang suot na tsinelas o sapatos. 
Jake Baton at kanyang ina / Larawan mula kay Jerome Hermosilla  

Jake Baton at kanyang ina / Larawan mula kay Jerome Hermosilla 

Si Jake ay estudyante ng Bibiana Mercado Integrated School sa Danao City.

He really wanted to join the track and field team.. He goes to training, barefoot,” kwento ni Hermosilla.

Dahil sa nakitang dedikasyon ng bata, pumayag na si Hermosilla na pasalihin ni Jake sa kompetisyon.

Tama ang naging desisyon ni Hermosilla at sobrang naging proud siya kay Jake.

I allowed him and he did surprise us with his success, he won a silver medal for 4×100  meter relay and gold medal for 4×400 meter relay,” kwento ni Hermosilla.

Ginanap ang Danao City Olympics noong November 21-22, 2019 sa Cebu Technological University oval sa Danao City.

Sa ngayon ay umabot na sa 52k reactions, 5.5k comments at 12k shares ang post ni Hermosilla.


***