Photo from Facebook | CTTO |
Ngunit, may babala ang Department of Education sa mga magulang at estudyante na mahilig i-post ang kanilang achievement o magagandang marka, tulad ng report cards, ID at certificate na kanilang natamo mula sa paaralan.
BASAHIN ANG BUONG DETALYE:
RA 10173 DATA PRIVACY ACT
¨HUWAG POST SCHOOL CARD, ID AND CERTIFICATE NG MGA ANAK NIYO¨
Sa mga magulang at mga mag aaral,
Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.
1. Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan dito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;
2. Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang maga-aral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, adres, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;
Photo from Google | CTTO |
4. Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.
Muli po, bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at masarap ipost sa ating social media accounts, unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak.
Maraming salamat po!
Source: DepEd Ako Educational Resources