Marami ang humanga at natuwa sa kabayanihan ng dalawang binata matapos nilang ipamalas ang kanilang katapangan upang sagipin ang isang matanda sa ilog malapit sa kanilang paaralan.
Larawan mula sa Facebook account ni Justino Cabarles
Sa Facebook post ng School Principal na si Justino Cabarles, hindi raw umano nagdalawang isip ang dalawang senior highschool students na sina Edward Laurenciano Ortil at Joshua Amaro na sumaklolo sa matanda matapos nilang malaman na nangangailangan ito ng tulong.
Agad umanong tinalon ng dalawang binata ang ilog na may halos 10 feet na lalim habang suot ang kanilang school uniform upang mailigtas ang matanda.
Larawan mula sa Facebook account ni Justino Cabarles
Larawan mula sa Facebook account ni Justino Cabarles
Larawan mula sa Facebook account ni Justino Cabarles
Nakilala ang matanda bilang si Prospero ‘Pay Erong’ Sueno, 74 taong gulang at isang retiradong barbero mula sa Caramoan, Camarines Sur.
Kuwento nito, tinangka niyang pansamantalang lisanin ang kaniyang bukid sa pangamba na baka bumaha dahil sa sunod-sunod na pag-ulan sa kanilang lugar. Habang tinatawid umano niya ang ilog ay hindi niya namalayan na nasa malalim na parte na pala siya nito.
Narito ang buong post ni Cabarles:
“God always sends His angels to save every precious life.
Prospero 'Pay Erong' Sueno, 74, a retired barber of Tawog, Caramoan, Camarines Sur, was saved from drowning early this morning at the river bank in between his farm and Bonifacio D. Borebor Sr. High School by two Senior High School students.
Edward Laurenciano Ortil and Joshua Amaro both of G11-EIM jumped into the river after learning from the school guard that an old man needs help. Not minding that they were in school attire, and the flooded river was about 10feet deep, Edward and Joshua moved as one to save Pay Erong.
'Nakita ko pong may taong inaanod ng baha at hindi ako pwedeng tumalon mula sa lokasyon ko kaya tumawag ako ng saklolo', says 'Pay Awel' Manuel Cepeda, who was on his usual morning rounds in the Junior High School campus.
Predicting possible flood after heavy rains, Pay Erong narrated that he decided to leave his farm crossing the narrow portion but noticed late, depth was no longer usual and flood water was upon him.
'Salamat na lang po at naisalba ako ng dalawang batang ito,' Pay Erong tremblingly whispered after he was brought up through the school ladder.
To God be the glory.”
Larawan mula sa Facebook account ni Justino Cabarles
Larawan mula sa Facebook account ni Justino Cabarles
Sa ngayon ay may 8,000 reactions at higit 3,300 shares na ang post ni Cabarles sa Facebook.
***
Source: Definitely Filipino