Dahil sa pagiging tsismosa, dalawang ginang dinakip ng otoridad - The Daily Sentry


Dahil sa pagiging tsismosa, dalawang ginang dinakip ng otoridad



Larawan mula sa Superbalita Cebu
Ayon sa pananaliksik, ang mga taong tsismosa/tsismoso ay sila yung mga taong hindi masyadong popular o hindi masyadong napapansin dahil hindi sila mapagkakatiwalaan at mahilig magkalat ng mga pribadong impormasyon ng ibang tao.

Karamihan sa mga nagkakalat nito ay ang mga matatanda o may mga edad na, na mahilig makipag-usap ng walang saysay o alingawngaw sa personal na buhay ng ibang tao.

Gayunpaman, kalaboso naman ang dalawang babae na sina Mary Grace Catapan, 21 at si Jhallyn Gequillo Varga, 35 na taga Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu dahil sa pagiging tsismosa at paninirang puri sa ibang tao.

Matapos makatanggap ang mga otoridad ng go signal mula sa kinauukulan ay agad dinakip ang dalawang babae matapos pag-tsismisan at siraan sa isang group chat ang nagreklamong si Aileen (hindi niya tunay na pangalan).


Ayon sa ulat, napag-alaman kasi ni Aileen na simula pa noong taong 2017 hanggang 2018 ay sinisiraan na siya ng puri ng mga ito sa pamamagitan ng pag-uusap sa group chat.
Larawan mula sa Superbalita Cebu
“Ang among na discover nga group chat is almost two years nga group chat nga halos everyday ko nila libakon. Kay kon mag vacation mi, i-grab ang among pictures ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta dagha pa,” ayon kay Aileen.

(Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba.) ayon kay Aileen.
Larawan mula sa Superbalita Cebu
Napag-alaman na ang dalawang babaeng tsismosa ay mga magulang ng mga batang nag-aaral sa isang paaralan sa Bogo City, kung saan ay nag-aaral din doon ang anak ni Aileen.

Ayon kay Aileen, nasa sampo ang bilang ng miyembro ng ginawang group chat nina Catapan at Varga at isa dito ay ang kumuha ng litrato na inilagay sa group chat upang pag-tsismisan ang kanyang pribadong buhay.

Ayon pa sa nadiskubre ni Aileen sa group chat, sinasabihan siya ng mga ito na mayroong problema sa utak at  nagbanta pa sila na isisilid sa septic tank.

Inakusahan din ng grupo ang asawa ni Aileen na isang magnanakw at ginawang katatawanan ang kanilang larawan kung saan ay ini-edit nila ito at ginawang katuwaan ang larawan ng kanyang asawa.

hindi rin matanggap ni Aileen ang ginawa ng grupong ito matapos kunin ng mga ito ang larawan ng kanyang anak at lagyan ng hindi kaaya-ayang caption.

Dahil dito ay hindi na nagdalawang isip si Aileen na dumulog sa otoridad para mapagbayaran ang mga ginawa nilang paninirang puri sa kanya at sa kanyang pamilya.

Paliwanag ng Judge na si Ramon Daomilas Jr. nilabag ng mga ito ang Section 4 (c) ng Republic Act 10175 o tinatawag na Cybr Lbel.

Ayon pa dito, maaaring pagbayaran ng mga ito sa loob ng rehas ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o di kaya ay magbayad ng multa.


Sa ngayon ay pinayagan ng Korte ng makapagpiyansa ng Php 36, 000 ang dalawang akusadong babae.

Maging babala sana ito para sa mga taong mahilig sa tsismis diyan, na hindi dapat manira ng buhay ng ibang tao. Baka magaya kayo sa dalawang mag-kaibigang ito.

****

Source: Sunstar