Mga larawan hango mula sa Youtube/GMA News |
Hindi pa rin makapaniwala ang mga magulang ng masayahing
paslit sa pagkawala ng kanilang pinakamamahal na anak dahil sa sinapit nitong
aksidente noong selebrasyon ng undas.
Parehong nasa trabaho ang mga magulang ng bata nang mangyari
ang di inaasahang trahedya na sinapit ng musmos.
Aksidenteng nalunok ng dalawang taong anyos na bata ang
kinakain nitong lollipop na nakuha nya mula sa “Trick or Treat” na pinamimigay
nito lamang nakaraang Halloween sa kanilang lugar. *
Candies mula sa Trick or Treat event
Ayon sa ulat ni John Consulta ng GMA news, isinalaysay ng kanilang
kapitbahay na kinilalang si Leopoldo Corsino Jr., ang nangyari. Aniya lumapit sa
kanya ang musmos na si Liam Ezekiel bandang alas-syete ng gabi pagkauwi nya mula
sa trabaho.
Bitbit ng paslit ang isang lollipop na nakuha nito mula sa
'Trick or Treat' event sa kanilang lugar sa Pasay City at pinabuksan ito kay Leopoldo.
Kapwa nasa trabaho ang mga magulang ni Liam ng mga sandaling
iyon kung saan ang kanyang ama ay isang jeepney driver habang ang kanyang ina
naman ay isang crew sa isang restaurant.
Naglalaro daw si Liam habang subo-subo ang lollipop, maya-maya
pa ay bigla na lamang daw nakadinig nang umiiyak si Leopoldo, agad naman nitong
pinuntahan ang bata.
Larawan hango mula sa Youtube/GMA News |
Labis na nagdadalamahati ang mga magulang ni Liam
Nalunok daw ni Liam
ang lollipop pati ang stick nito kaya naman agad itong bumara sa kanyang lalamunan at nakita nga nyang hindi na makahinga
ang bata.
Agad niyang sinubukan at ng tiyahin ni Liam na alisin ang
lollilop na bumara sa lalamunan ng musmos ngunit sila ay nabigo.
Kaya nagpasya na ang tiyahin ni Liam na isugod ito sa
pinakamalapit na clinic upang malapatan ng unang lunas ngunit kalaunan ay
kanila na itong nilipat sa San Juan De Dios Hospital.
Ngunit sa kasamaang palad, idineklara nang dead on arrival
si Liam sa nasabing ospital. Una na daw itong pinagbawalan na kumain ng
lollipop ng kanyang mga magulang.
Labis na nagdadalamhati ngayon ang nanay ni Liam na si
Shiela Enriquez at hindi pa rin matanggap ang nakakapanlumo na sinapit ng
kanilang anak.
Sambit ni Shiela, kaniyang naalala ang laging kataga ng
kanilang musmos sa tuwing sila ay paalis para pumasok sa kani-kanilang trabaho,
ani ng bata, “daddy, mommy, iwan Liam, pero ngayon naman, kami ang iniwan mo
anak…” ayon sa ina.
Nanawagan ito sa mga nais tumulong sa kanilang mga bayarin
sa ospital kung saan dinala si Liam, may kalakihan ang kanilang babayaran na
dumagdag pa sa ibang gastusin sa pagpapalibing sa bata.
Source: KAMI