Photo credit to the owner |
Ang naturang agent ay naaresto ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit-Central Visayas (RACU) 7 noong Sabado, Nobyembre 16, 2019, matapos siyang paratangan ng siyam na kaso ng cyberlibel.
Si Daphne Apeña, 28, taga-Barangay Lorega San Miguel, Cebu City, ay naaresto matapos mailabas ni Regional Trial Court Branch 11 Judge Ramon Daomilas Jr. ang warrant of arrest laban sa kanya noong nakaraang Oktubre 16.
Photo credit to the owner |
Ayon kay Daomilas, kinakailangan diumano na magbayad si Apeña ng P30,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sinabi din ni P/Col. Marlo Castillo, pinuno ng RACU 7, na ang kaso ni Apeña ay inihain matapos na ang kinilalang ex-girlfriend ng kasintahan na si Michelle Alanic ay magsampa ng reklamo laban sa kanya sa mga nangyaring pribadong pag-uusap diumano ng dalawa sa Facebook messenger.
Sinabi ni Alanic na si Apeña ay nagpadala ng mga malisyosong mensahe sa kanya, na ipinakita niya mismo sa RACU 7 sa pamamagitan ng mga screenshots ng kanilang pag-uusap.
Inamin ng call center agent na si Apeña na nagulat siya sa reklamo laban sa kanya na isinampa ng ex-girlfriend na si Alanic, sapagkat ayon sa kanya itong huli ang nagbahagi at nagpost ng larawan nila ng nobyo habang nakahiga sa kama na sadyang nang-himasok sa kanilang pribadong buhay.

Kanya ding ipinakita ang mga screenshots ng post ni Alanic na nagpapakita ng pangungutya sa kanya, dahilan upang magsampa din siya ng countercharges laban sa huli.
Inamin ni Apeña na nagsimula ang alitan nila ni Alanic ng tawagin siya nitong "pokpok" o kalapating mababa ang lipad sa isang pribadong mensahe.
Gayunpaman, sinabi ni P/Col. Marlo Castillo na ang korte ay nakakita ng sapat na ebidensya upang masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10175 si Apeña dahil umano sa mga “below-the-belt” nitong pahayag at komento kay Alanic.
Dagdag din ni Castillo na maaari naman siyang lumapit sa kanilang tanggapan upang maghain ng kaso laban kay Alanic, batay sa kanyang mga personal na reklamo laban dito.
Dahil sa pangyayaring ito, hinimok ni Castillo ang publiko na iwasan ang pag-post o pagpapadala ng mga malisyosong mensahe sa social media, lalo na kung ang layunin nito ay patamaan ang isang tao.

Kanya ding pinaalala na ang cyberlibel ay may hindi birong parusa sa sinumang mapatunayang lumabag dito. Aniya, ang sinumang mapapatunayan na guilty sa kasong cyberlibel ay maaaring makulong ng anim na taon o higit pa.
Source: Yahoo News
Source: Yahoo News