Burol sa basketball court at gitna ng init ng araw, ikinabahala ng mga netizens - The Daily Sentry


Burol sa basketball court at gitna ng init ng araw, ikinabahala ng mga netizens



Larawan mula kay John Carlos Acob
Viral sa social media ang nakakalungkot na larawan ng isang pamilya kung saan ay makikitang nagluluksa ang mga ito sa burol ng isang miyembro ng pamilya sa mismong basketball court.

 Madami ang nag-react sa larawang i-pinost ni John Carlos Acob sa kanyang Facebook account kung saan makikita na may nakaburol sa gilid ng court na may caption na, "Sobrang nakakadurog ng puso, Sana maaksyonan agad ito."

Ayon sa nakalap na balita, hindi raw ito tinanggap sa kanilang chapel sa kadahilanang kulang umano ang kanilang perang pambayad.

 Nakilala ang taong naka-burol na si Rolando Gonzales, napag-alamang nakaramdam lamang umano ito ng matinding pananakit ng tiyan na hindi nito kinaya dahil walang kakayahan ang pamilya na ipagamot siya sa ospital.
Larawan mula kay John Carlos Acob
Maraming netizens ang naawa sa nangyaring ito kay Gonzales dahil nawala na nga ito sa balat ng lupa ay hindi parin natapos ang kanyang suliranin ng dahil kapos sa pera ang pamilya.

Makikita sa larawan ng basketball court na wala man lang trapal na maaaring silungan ng mga taong makikiramay.

Maging ang pamilya at mga makikiramay ay mabibilad sa araw at maaari din namang mabasa ang mga ito kung sakaling umulan.


Ngunit matapos mag-viral ang post ni John Carlos, mayroon daw netizen na nagmagandang loob at tumulong na mabigyan ng maayos na burol at libing si Gonzales.

Madaming netizens naman ang sinisi ang barangay dahil dapat sila daw umano dapat ang unang-una na tumutulong sa mga gantong pagkakataon.

Jessabelle Miranda Rodriguez Grabe naman ang mga barangay officials walang awa e.palit-palitan na mga officials na yan madamjng ganyan e pansariling pamilya lang nila tinutulungan.
Larawan mula kay John Carlos Acob
MeiJi Shin Grabeeee. mga walang puso. Wala man lang tlagang nagmagandang loob sa umpisa pa lang. Humantong pa tlga na may magpost muna bago tulungan?

Malditang Magno Nkkhya ung nkksakop n mga barangay official dyn nkkhya kau mga wala kau silbi d n kau naawa

Ssan Mari Anung gnagawa ng baranggay dyan? Libre ang tolda s baranggay bat di nila pahiramin,, sus anu b namn klase yan nkakaawa n nga ang kalagayan wala pa tumutulong

John Jefferson Roque Flores Nakakalungkot naman yan. Social Responsibility dapat yan ng Local Gov't ng lugar na yan at Spiritual Responsibility nung Religion na kinabibilangan nung Namayapa at ng Pamilya.

****