Buntis na guro, kailangan muna tumawid sa bangin, dagat at maglakad ng 2-oras para magturo - The Daily Sentry


Buntis na guro, kailangan muna tumawid sa bangin, dagat at maglakad ng 2-oras para magturo



Pinagsamang larawan mula sa Reel Time
Ang mga guro ay maituturing na mga dakila dahil sila ang tumatayong ikalawang mga magulang para sa ating mga anak na nagaaral.

Dahil sa kanilang taglay na kasipagan ay natututunan ng anak mga estudyante kung paano magbasa, magsulat, magbilang at maturuan ng magandang asal.

Ngunit madami naman ang namangha at naawa sa isang buntis na guro na si Teacher Jay Ann Salibio, kung saan ay buwis-buhay ang ginagawa para lang makapagturo sa Patag Elementary School Annex sa Occidental Mindoro.

Ayon kay teacher Salibio, malayo ito sa kabihasnan kung kaya naman kailangan muna nitong tumawid ng dagat, umakyat ng bangin at maglakad nang mahigit dalawang oras upang maturuan ang mga estudyante sa Occidental Mindoro.

Napag-alamang kabuwanan na ni teacher Salibio na dapat sana ay nagpapahinga na lamang at inaalagaan ang kanyang ipinagbubuntis ngunit mas pinili pa rin nitong makapagturo sa kanyang mga estudyante.
Larawan mula sa Reel Time
Larawan mula sa Reel Time
Tinitiis ni teacher Salibio ang buwis-buhay na pagtuturo sa kanyang mga estudyante dahil wala pang ipapalit sa kanya at hindi rin maiwan nito ang mga bata.

Ayon sa nakalap na balita, mas malaki ang kakaharaping problema ni teacher Salibio sa oras ng kanyang panganganak dahil wala umanong ospital sa kanilang lugar.

Ang Annex Elemntary school ay napagalamang nasa gitna ng kabundukan at kailangan pang sumakay sa bangka upang marating ang naturang paaralan.

"Bilang buntis po ay nahihirapan ako syempre buhay ko yung nakasalalay doon. ako po ay panganakin na ngayong buwan. Baka manganak po ako agad kasi nga kabuwanan ko na." ayon kay teacher Salibio



Makikita ang sa mukha ni teacher Salibio ang bakas ng pagkapagod, lalo na buntis ito at kailangan niyang mag-doble ingat at tinatahak ang daan papunta sa paaralan.

Dahil dito ay nag-request na rin daw sila ng life vest sa Department of Education (DepEd) para sa kanilang kaligtasan habang tinatawid ang dagat ngunit tila wala pa rin tugon ang nasabing ahensya.

Dahil sa ipinakitang determinasyon ni Jay Anne, inulan naman siya ng papuri mula sa mga netizens.


****

Source: Reel Time