Broadcaster, minura si Vice Ganda matapos sabihing "napakayabang" ni Pastor Quiboloy - The Daily Sentry


Broadcaster, minura si Vice Ganda matapos sabihing "napakayabang" ni Pastor Quiboloy



Isang broadcaster ng DZAR at Sonshine Media Network International, na parehong pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy ang hindi napigilang murahin si Vice Ganda. 
Mike Abe, Vice Ganda at Pastor Apollo Quiboloy / Mga larawan mula ABS-CBN at PEP

Ito ay matapos hamunin ng TV Host ang Pastor na pahintuin ang programang “Ang Probinsyano” at ang traffic sa EDSA.

Ang hamon ni Vice Ganda ay nangyari matapos ipahayag ni Quiboloy na dapat siyang pasalamatan dahil pinahinto niya ang malakas na lindol sa Mindanao na nanalanta noong nakaraang buwan.

Nangyari ang hamon ni Vice sa show na ‘It’s Showtime’ noong November 5.

"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan. So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!" sabi ni Vice.
Programang 'It's Showtime' / Larawan mula Youtube

Ayon sa ulat ng PEP, maraming miyembro ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc., na pinamumunuan ni Pastor Quiboloy ang nainsulto at hindi nagustuhan ang naging pahayag ng TV Host.

Isa sa naghayag ng kanyang saloobin at nagmura kay Vice ay ang broadcaster na si Mike Abe.

Sa programa ni Abe na ‘Usaping Bayan’, sinabi niya na maling insultuhin ni Vice si Quiboloy dahil hindi naman nito personal na kilala ang pastor.

Si Vice Ganda, hindi ko naman maintindihan kung paano naging ‘Ganda’ yun. Baka siguro Vice lang. Vice K... bahala na kayo kung ano yung ‘K.’ Pero Vice Ganda, hindi naman maganda, e, lalo na yung sinabi, lalo na yung pagtatawanan. Alam niyo ho, kaya hindi ko po pinalampas ito... ito, sasabihin ko po sa inyo nang direktahan na ngayon, ha,” sabi ni Abe.

Trabaho lang po ito, ito ho, personal ko po ito, ha. Wala hong kinalaman itong programang ito, itong network na ito. Hindi po ako member ng Kingdom," dagdag nito.

Ayon kay Abe napakataas ng respeto niya kay Quiboloy at sinabing walang kayabang-yabang ito at simpleng-simple lamang ang pastor.
Pastor Apollo Quiboloy / Larawan mula Abante

Yung pagrespeto ko kay Pastor, mahigit pa siguro sa member. Grabe po ang pagrespeto ko kay Pastor Quiboloy. Hindi po siya ganun. Lahat sa kanya, tulong. Lahat ho siya ay bigay, kahit hindi kakilala, tinutulungan. Kahit hindi kilala, dinadamitan, pinapakain, pinag-aaral, kinakausap pag may oras. Ganun po siya. Walang kayabang-yabang. Simpleng-simple lang.”

Hindi rin nakaligtas ang ABS-CBN sa broadcaster at pinagsabihan na bigyan ng leksyon ang kanilang talent.

“Hindi po totoo yung sinabi ni Vice K na mayabang si Pastor, hindi ho totoo yun. Kaya sabi ko nga, ginawa po ng ABS-CBN, kayong mga taga-ABS, after money lang kayo. After rating lang kayo. Yan pong inyong talent na 'yan, inyong pagsabihan 'yan. Pasalamat kayo… sana hindi 'yan makasalubong ng mga taong nagagalit sa kanya, baka may paglagyan 'yang mamang 'yan."

Pinagpatuloy pa ni Abe ang kanyang banat kay Vice Ganda.

Mama naman 'yan, hindi naman ho babae 'yan, e. Huwag niyong iinsultuhin si Pastor dahil hindi niyo kilalang personal 'yan. Hindi niyo nakikita 'yan, hindi niyo siguro nakatabi kahit minsan. At saka alam niyo, bawal na bawal po sa telebisyon ang mang-insulto ng kapwa kung hindi mo naman kilala. Maliban na lang kung binalikan ka.”

“Ako po, puwede ako makipag-usap sa propesyunal na level. Pero puwede rin akong makipag-usap sa bastusang level. Pag nangbastos kayo ng tao na aming nirerespeto, puwede ko rin kayong bastusin. Trabaho lang naman ito, e. Huwag sanang ganun ano ho. Ito inuulit ko, akin pong sarili ito.”

Sabi pa ni Abe tungkol kay Quiboloy, “Appointed son of God. Ipinagdadasal ang tao. Pati ikaw Vice K, ipinagdadasal ka, kasama ka niyan. Yung paniniwala niya at sinasabi niya, irespeto, huwag niyong pagtawanan. Nakita ko kasi yung video, e, tawanan, palakpakan pa yung nasa audience. Hindi ko alam kung ano sila, bakit sila nagtatawa.”

“Ang inyo ay negosyo. Hindi lahat ng patawa ay nakakatuwa. May mga patawang nang-iinsulto kayo. Huwag po ninyong gawin yun.”

Patuloy ni Abe, respetado umano ng maraming pulitiko si Quiboloy sa ating bansa at maging sa abroad.
Vice Ganda / Larawan mula Bandera

Si Pastor Quiboloy po ay respetado ng napakaraming pulitiko dito sa ating bansa, maging sa abroad. Napakaraming negosyante dito sa ating bansa, respetado 'yan. At sa buong mundo nirerespeto 'yan. Meron siyang seven million member. 'Tapos sasabihin mo, mayabang?"

“P*t^$g i*a ka!”, pagmumura ni Abe.

Nagbigay rin ng babala si Abe kay Vice na huwag nang ulitin ang kanyang ginawa, dahil baka ano raw ang kanyang magawa sakaling magkita sila.

Vice K, huwag mong gagawin ulit 'yan at baka masalubong kita at di ko matantiya anong gagawin ko sa 'yo. Personal din ito. Inuulit ko, sarili ko. Walang kinalaman sila rito. Masakit, pati ako nasaktan, e. Hindi ho biro. Napakabait ng aming mahal na pastor. Napakabait niya, sa totoo lang.”

Nanawagan din si Abe sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at pamunuan ng ABS-CBN na bigyan daw ng leksiyon ang TV host.

“Sana po hindi na mauulit. Sana po ang management ng ABS-CBN ay umaksiyon po kayo. Bakit niyo kinukunsinti yung mga ganung klaseng mga lengguwahe? Bakit niyo kinukunsinti ang mga ganoong klaseng talent? Ano ba kayo, pera-pera lang? Tinawagan ko ng pansin, MTRCB umaksiyon kayo rito, paglapastangan ito sa industriya ng broadcast,” sabi ni Abe.

Kayo, management ng ABSCBN, bago kayo magsara sa March 20, ng 2020, next year, inyong disiplinahin ang inyong mga talent, hindi puro pera-pera lang kayo. Pag may pera, wala na ho kayong pakialam sa mundo. Hindi ho ganun,” dagdag nito.


***
Source: PEP