Bonggang opening ng 30th SEA Games sa Pinas, proudest moment ng mga Pilipino - The Daily Sentry


Bonggang opening ng 30th SEA Games sa Pinas, proudest moment ng mga Pilipino




Pinagsama-samang larawan ng performances sa SEA Games opening / kuha mula sa Facebook (ctto)


Walang kaduda-dudang napaka bongga ng ginanap na opening ng 30th Southeast Asian (SEA) Games 2019 kagabi, umpisa pa lang ay mapapa-wow ka na sa ganda ng pag-awit ni Lani Misalucha ng “Lupang Hinirang.”

Nag bigay din ng pang World-class at makatindig balahibong performances ang ating mga Pinoy artist tulad nina Robert Ceña, KZ Tandingan, TNT boys, Jed Madela, Iñigo Pascual, Elmo Magalona.

Nag paunlak din ang dugong pinoy na miyembro ng Black Eyed Peas at international rap artist na si Apl de Ap, na proud na nagtanghal para sa bansa.

Nakaka proud din na inawit ang mga kanta ni Francis Magalona kung saan mas damang dama ng mga nanonood nang kanilang pagiging Pilipino.

Hindi naman magkanda-mayaw ang mga nanonood nang pangunahan ni Senator at boxing legend Manny Pacquiao ang pagdadala ng torch at pagsisindi ng cauldron, na nagpagulat din sa karamihan dahil sa ganda ng effects.

Ang pagsisindi ng torch / larawan mula sa ABS CBN


Gandang pinay naman ang pinakita ng ating mga nag gagandahang muse pinangunahan nina Megan Young, Precious Lara Quigaman at Pia Wurtzbach. Ang parada ay pinangunahan ni Pia bilang lakambini ng Pilipinas at ang 11 na iba ay para mga bansang kasama at kalahok sa SEA Games 2019.*

Nakadagdag pa ng emosyon ng crowd ang paglabas ng mga Pilipinong atleta na minsan nang nagbigay karangalan sa bansa katulad nina Lydia de Vega, Akiko Thomson, Eric Buhain, Alvin Patrimonio, Bong Coo, Efren "Bata" Reyes, Mansueto "Onyok" Velasco, at Rafael "Paeng" Nepomuceno habang dala dala nila ang SEA Games Federation Flag.

Ang mga pinoy na atletang nagbigay ng karangalan sa bansa / larawan mula sa twitter ng Rappler


Kitang kita naman ang galak kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi napigilan ang mapaindak kasabay ng tugtog sa seremonya.


Dahil dito, hindi maitago ng mga Pilipino ang kanilang tuwa at kagalakan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“The opening ceremony impressed me so much. A beautiful showcase of our arts, talents, and OPM- OUR TRUE FILIPINO CULTURE! WHAT A START! This makes me so proud and happy! “

“Proud to be a Filipino -Good luck and GOOD BLESS ATHLETES....and for those who DONOT and CANNOT APPRECIATE the opening ceremony of SEAGAMES... YOU ARE ALL VALUELESS as a Filipino...”

“Ngayon ko lang ulit nakitang masaya ang mga kababayan kong Pinoy ng bonggang bongga. God bless Philippines. Huwag na daw maging negative bi at fault finder.”


“Ganda ..bkit kya kpag nkkapnood tyo ng ganyang event parang nagiging emotional .nkkaiyak .maging succesful sana simula hanggang mtapos ang 30th asean games .go go Philippines mga pinoy go 4 the gold .”