Larawan mula sa Buhay Teacher |
Isang batang lalaki ang nawalan ng pamilya dahil sa sunog ang nagsulat ng nakakadurog ng puso na sagot sa kanyang assignment sa paaralan.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni teacher Arnold Legara Cuevas, ng T. Awad Echevarria Elementary School in Barangay Mandug, Buhangin, Davao City, ang nakakalungkot na kwento ng kanyang estudyante matapos itong maulila.
Kwento ni teacher Cuevas, nagbigay siya ng pagsusulit sa kanyang mga estudyante na kailangan nilang magpasa ng larawan na kasama ang kanilang pamilya.
Matapos matanggap ni teacher Cuevas ang ipinasa na assignment ng kanyang estudyante na si Rheann Khinn Cabahog, bigla itong nalungkot.
Ayon kasi sa ipinasa ni Rheann na larawan ng kanyang pamilya ay may nakasulat sa taas nitong nasa langit na ang kanyang pamilya.
“Ang aking pamilya na ngayon ay nasa heaven na.” ayon sa nakasulat sa larawan.
“Ang aking pamilya noon ay saya-saya naming nagsisimba kami. Kumakain sa labas. Pero dumating ang araw na bigla akong lumongkot kasi ang Mama at Papa ko ay kinuha ni God. Pati mga kapatid ko iniwan na nila akong nag-iisa. Super lungkot ng buhay ko.” ayon kay Rheann.
Larawan mula kay Arnold Legara Cuevas |
Larawan mula kay Arnold Legara Cuevas |
Dahil dito ay nagulat si teacher Cuevas sa naging sagot ni Rheann kung kaya naman ipinatawag niya ito upang kausapin.
Kwento no Rheann, hindi nakaligtas sa sunog ang kanyang pamilya nito lamang taong 2019. Ayon sa kanya, ang mama, papa at dalawang kapatid nito ay natutulog sa kanilang bahay Isabela nang mangyari ang sunog.
Si Rheann lang ang nakaligtas sapagkat wala siya sa kanilang bahay noon at nakatira siya sa bahay ng kanyang lola.
Sobrang lungkot daw umano ang nararamdaman ni Rheann nang tanungin siya ni teacher kung kamusta siya at kung ano ang nararamdaman niya.
Larawan mula kay Arnold Legara Cuevas |
Larawan mula kay Arnold Legara Cuevas |
Basahin ang kwento ni teacher Rheann sa ibaba:
“THIS BOY BREAKS MY HEART
“Assignment: Magbigay ng larawan kasama ang iyong Pamilya.
“Rheann Khinn Cabahog: Ang aking Pamilya na ngayon ay nasa heaven na.
“Tinawag ko at kinausap.
“Ako: Ano pala ang nangyari Rheann?
“Rheann: Last March 12, 2019 Sir nasunog po yung bahay nang Tita ko sa Isabela habang natutulog sina Mama, Papa, dalawa kong kapatid pati dalawang pinsan ko. Bali anim po silang di nakalabas at nasunog Sir.
“Ako: Oh my! Ganun ba? (Teary Eyes ako) Mabutit di ka napasama sa nangyari.
“Rheann: Muntikan na akong mapasama Sir, kukunin na sana ako ni Papa nung time na yon para itransfer pero buti nalang di pumayag ang teacher ko sa grade 3 na si Mam Josephine Sumarago. Gusto ni Teacher na tapusin ko nalang ang school year dito sa T. Awad Echevarria, Mandug Davao City total malapit naman din daw matapos ang pasukan. Nagpapasalamat talaga ako kay Mam kasi sya ang dahilan bat ako nasave sa nangyari. Iyak ako ng iyak Sir nung inilbing sila.
“Ako: Kamusta ka naman ngayon?
“Rheann: Miss na Miss ko na Po silang lahat Sir, pag naalala ko sila napapaiyak ako. Buti nalang na diyan sina Lola, Tita at mga Pinsan ko na mahal na mahal ako. Tsaka masaya ako sa school kasi marami akong kaibigan tapos mabait din yung adviser ko si Mam Cecil Ganir Alburo.
“Ako: Ok lang yan Rheann, atleast ngayon may apat ka nang anghel na palaging magbabantay sa iyo. Si Mama, Papa ug dalawa mong kapatid.
“Habang nagtatanong at nagbasa sa kanyang sinulat di ko mapigilan map4luha, nadurog ang puso ko sa batang ito. Be a good boy always Rheann, you deserve a big hug. God will always be with you.😇
****
Source: Arnold Legara Cuevas / Facebook