Litrato mula kay Arcilyn Azarcon |
Pero kamakailan lang ay may nagviral na litrato ng isang batang estudyante na ang gamit ay dahon ng saging imbes na notebook.
Si Arcilyn Azarcon na isang guro sa Lianga National Comprehensive High School ang siyang nag-upload ng nasabing larawan na sa ngayon ay umani ng libo-libong shares at reactions sa social media.
Ayon kay Azarcon, namangha daw siya sa kanyang estudyante na si Erlande Monter na nagsusulat sa dahon ng saging.
"Hala bakit ano banana leaf ang sinusulatan mo and then when I look out may banana na nakaputol doon and then sabi ko pinutol mo ba yung dalawang banana? Hindi po ma'am kumuha lang ako ng dahon doon," ani Azarcon.
Wala daw trabaho ang ina ng bata na si Enriqueta habang ang ama naman niya ay kulang ang P4,000 kita kada buwan bilang road maintenance worker sa Deparment of Public Works and Highways.
Dahil gustong matupad ng batang si Monter ang pangarap na maging sundalo ay ayaw niyang huminto sa pag-aaral kahot mahirap ang buhay.
Hindi inasahan ni Azarcon na magva-viral ang kaniyang post. Dahil nagviral ang kanyang post ay marami na raw ang nagpapaabot ng mensahe kay Azarcon na nais tumulong kay Monter.
Sobrang pasasalamat ng pamilyang Monter sa guro na naging instrumento para tulungan ang bata.
Narito ang ilang mga litrato na nakunan ni Arcilyn Azarcon:
Litrato mula kay Arcilyn Azarcon |
Litrato mula kay Arcilyn Azarcon |
Litrato mula kay Arcilyn Azarcon |
Source/s: Arcilyn Azarcon / Facebook, ABS-CBN News