Pagbalik ng bata ng wallet na may napakalaking halaga, may nakakalulang kapalit - The Daily Sentry


Pagbalik ng bata ng wallet na may napakalaking halaga, may nakakalulang kapalit




Isang lalaki ang nawalan ng wallet na naglalaman ng malaking halaga at maswerteng naibalik sa kanya ito.

Ayon sa lalaki na kinilalang si Kenneth Behring, sa San Francisco Bay Area nya ito nawala. Sabi umano sa kanya ng kanyang assistant, baka nawala nya ito habang naglalakad sya noong umaga sa bahagi ng Berkeley. 

Sinagot nya naman ang kanyang assistant na wala silang choice kundi mag-antay na ma-contact sila ng taong nakapulot nito. 

Pagkalipas umano ng dalawang oras, dismayadong inudyokan si Behring ng kanyang assistant na hwag na nilang sayangin ang kanilang oras kakahintay na ibalik ang wallet nya ng taong nakatira mula sa mahirap na lugar, gaya na lamang ng sa San Francisco Bay Area.

Pagpupumilit raw ni Behring, maghihintay syang maibalik ito ng kung sinomang nakapulot ng kanyang wallet. 

Dahil umano sa pagtataka ng kanyang assistant ay sinabi sa kanya na kung talagang may balak ibalik ang taong nakakita ng kanyang wallet ay na-contact na sana agad ito dahil sa dami ng business cards nya doon. 

Paliwanag pa nito sa kanya, naga-antay na sila buong maghapon pero wala silang napala. Dahil dito, kumbinsido ang assistant na wala ng intensyon ang nakapulot na isauli pa ito.

Ngunit hindi umano natinag si Behring dito kung kaya't pinanindigan nya ang kanyang desisyon at sya ay nag-antay. 

Kinagabihan, biglang tumunog ang cellphone nya dahil tumawag na ang taong nakapulot. Sinabi raw sa kanya ng nakapulot na magkita sila sa Kata Street dahil gusto nyang kunin sa kanya ni Behring ang napulot nyang wallet. 

Nagmadali itong pinuntahan ng dalawa at nang makarating, isang lalaki ang naglakad papalapit sa kanila at inabot ang gamit ni Behring. Mabilis na kinuha ng assistang ni Behring ang wallet at binilang ang pera sa loob nito. 

Sa gulat nya, walang nabawas na pera o kahit anomang gamit sa wallet. 

Pero tinanong sya ng lalaki nito kung maaari syang manghingi ng maliit na halaga. 

Tumawa raw ang assistant ni Behring at lalong nakumbinsi na may kapalit ang kabutihang loob ng taong nakapulot. 

Ngunit agad syang tinanong ng may-ari kung magkano ang kailangan nito.

“I have been looking for a public phone for a long time and when I finally found one, I did not have any money on me so I had to borrow a dollar from the shop owner to make this call. Now I need that dollar to return the money to him.” sagot ng bata.

Nahiya raw si Behring sa kaniyang sarili pati na din sa lalaki matapos marinig ang eksplanasyon ng lalaki. Napukaw ang damdamin ni Behring sa ginawa ng lalaki kung kaya't binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap.

Bilang gantimpala, binago ni Behring ang kaniyang charity plan at nag-invest sa ilang paaralan sa Berkeley. Ang nasabing paaralan ay gagamitin upang magturo sa mga batang mahihirap.

Sinabi ni Behring sa kaniyang opening ceremony,

“We must not assume that every person out there is greedy or selfish. We need to make room and give every person an opportunity to prove that they have pure and kind hearts. People with these kind souls are worth investing in.”

Si Kenneth Behring ay isang kilalang American philanthropist, real estate developer, animal poacher, at dating may ari ng Seattle Seahawks ng National Football League. Nangyari sa kanya ang kwentong ito noong 90's. Yumao si Behring noong Hunyo 25, 2019.

Source: howtocare.net