Barangay tanod na nagtapos ng “Cum Laude” isa nang ganap na licensed engineer - The Daily Sentry


Barangay tanod na nagtapos ng “Cum Laude” isa nang ganap na licensed engineer





Larawan ni Janryl Tan mula sa ABS CBN at Google


Marami ang nainspire at napahanga sa kwento ng dating barangay tanod na isa nang licensed civil engineer ngayon.

Unang nag viral ang kwento ni Janryl Judilla Tan, 23-anyos noong Marso ng kasalukuyang taon kung saan ay pinagsabay niya ang pag aaral at ang pagiging tanong para makapagtapos ng pag aaral.


Sa kabila umano na sumasahod lang si Tan ng P6,000 kada buwan bilang tanod at SK treasurer ay nagawa pa rin nitong makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo.

Nagtapos si Tang ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering ngayong taon at agad din siyang nag-take ng board exams at siya ay nakapasa na nga.

Ayon sa update ng ABS-CBN, walang pagsidlan ng kaligayahan si Janry pero nalulungkot din siya dahil iiwan na niya ang pagiging tanod ng barangay.

Marami ang natuwa at na-inspire sa kwento na ito ni Tan, narito ang ilan sa kanila:

“Congrats, Sana ay maging insperasyon ka sa mga kabataan Para ma abot ang pangarap sa buhay. God Bless.”

“Congrats, proud na proud mga parents mo syo, kung my pangarap kyang abutin kung my pagpupursigi, Mabuhay ka!”

“Determination is the key to success let no one tell you that you're a failure and be proud of yourself congratulation and more success in the future”


“Truly, a wise man doesn't care about what people say about him, as long as he's doing things not contrary to law. Congratulations to a hardworking person like you! You're the best example to all students, who haven't yet finish their studies, but feel so proud of themselves 🙂”