Nakakabilib! Anak ni Mayor Isko, ibinahagi kung magkano ang baon araw-araw - The Daily Sentry


Nakakabilib! Anak ni Mayor Isko, ibinahagi kung magkano ang baon araw-araw




Marami ang humanga ngayon sa pangatlong anak ni Manila Mayor "Isko Moreno" Domagoso na si Joaquin Domagoso dahil sa kanyang pagiging humble at candid.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon na ma-interview si Joaquin ng media dahil sa pelikula na kinabibilangan nito.

Sa interview, sinabi niya na ayaw niya munang magkaroon ng kotse dahil sa ito'y mahal.

"Magastos yun diba, sa gas, sa insurance," aniya.


Binanggit din niya na ayaw niyang magkaroon ng bodyguard dahil pakiramdam nya ay safe naman siya at hindi sya ganoong kaspecial para magkaroon ng magpoprotekta sa kanya.

Nang tinanong sya tungkol sa kanyang baon ay sinabi niyang merong incentive sa kanilang bahay.

"May incentive kami sa bahay eh. If you want to get your allowance, dapat pumasok ka. So kung hindi ka papasok, wala kang allowance."

Di din siya nag-alinlangang ibulgar kung magkano ang baon nya sa school araw-araw.

"My baon naman is P200 eh. Okay na yun. May car naman papunta eh, I wont pay for commute. Then my school's food is only P65 - P85..."

Ibinulgar din ni Joaquin na imbes na Starbucks ay bumibili sya ng streetfoods pagtapos ng kanyang klase.

"Starbucks? I don't like coffee eh. After class, ah stick yung fishballs pero hotdog binibili ko."


Nung tinanong siya kung ano ang luxury ni Joaquin ay agad syang sumagot ng "V-Cut". Eto ay isang potato chips.

"Nung Christmas last year, yung tito ko dahil alam nyang favorite ko ang V-Cut ay niregaluhan ako ng 50, isang box. Wala pang 3 weeks naubos ko na."

Inamin din niya na hindi siya mahilig uminom ng alak at hindi siya nagpupunta sa bar.

Nung tinanong siya kung ano ang pinakamalaking tampuhan nila ng kanyang amang si Mayor Isko ay sinabi niyang dahil ito sa mababa nyang grado sa Filipino subject.

"Pero okay na, I really want to learn Filipino. That's why I always listen to OPM."