Bandalismo sa bagong-linis na underpass sa Maynila, grupo ng Anakbayan ang may gawa - The Daily Sentry


Bandalismo sa bagong-linis na underpass sa Maynila, grupo ng Anakbayan ang may gawa



Umaga ng November 12, naging mainit na isyu sa social media ang bandalismo sa ilang underpass ng Maynila at ito ay mariing kinondena ng lokal na pamahalaan.
Larawan mula sa Facebook ng Anakbayan at Manila Public Information Office

Sa artikulo ng ABS-CBN, inamin ng Anakbayan na ang kanilang grupong Panday Sining ang may gawa ng mga bandalismo.

Giit ng grupo, kinailangan nilang gawin ito para mailabas ang kanilang saloobin hinggil sa mga nangyayari sa bansa sa kasalukuyan.

"Sorry for the inconvenience, but the matter and issues at hand are urgent. Left and right, ordinary people are being killed or jailed for criticizing this corrupt and fascist government.”



“The space for peaceful and democratic speech is already being compromised by the regime as it pushes to criminalize dissent with its de facto Martial law nationwide in the name of Executive Order No. 70," paliwanag ng grupo.

Ayon sa kanila, handa raw silang makipag-usap kay Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa nangyari.
Larawan mula medium

Ayon naman sa Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau (MTCAB), nakalulungkot na sa ganitong paraan ipinaparating ng mga militanteng grupo ang kanilang hinaing. 

"Ang lahat ng ito ay pinaghirapan na isaayos at pagandahin sa pagtutulungan ng bawat indibidwal na maibalik ang ganda at sigla ng Maynila," ayon sa MTCAB.

"Hindi bandalismo ang sagot sa pagbabago. Disiplina at pagunawa ang ating kailangan tungo sa mas maunlad na Maynila,” dagdag ng MTCAB.

Agad din itong nilinis at pininturahan muli ng MTCAB.


Samantala, meron namang babala si Mayor Isko sa mga gumawa nito.

"Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights... 'pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo," ayon kay Mayor Isko.

"We are really trying to clean up and revive, making Manila... vibrant. We don't deserve this. The people of Manila don't deserve this," dagdag pa ni Moreno.
Larawan mula ABS-CBN

***
Source: ABS-CBN News