Anton Cayanan, badminton national player / litrato mula sa kanyang Facebook account |
Sa kabila ng lahat ng ito, nanawagan ang ilang mga atleta ng Pilipinas na imbes na pumuna ng mali ay magkaisa at sana'y suportahan ang mga manlalaro natin.
Gaya na lamang ng isang badminton national player na si Anton Cayanan na nagbahagi ng kanyang opinyon tungkol sa mainit na usaping ito ngayon.
Idinaan ni Cayanan ang kanyang saloobin sa kanyang Facebook account. Ikwinento niya ang kanyang naging karanasan bilang parte ng Badminton Team noong 2017 SEA Games sa Malaysia.
Nagkaroon din sila ng mga problema sa hotel at pagkain pero kalaunan ay naging maayos din.
Aniya, hindi maiiwasan na magkaroon ng pagkukulang sa ganitong kalaking event. Pero ang masakit ay mga kapwa Pilipino ang talagang nagpapakalat pa ng mga negatibong balita.
Narito ang buong pahayag ni Anton Cayanan:
Naalala ko nung 2017 SEA Games sa Malaysia. RP Badminton, RP Billiards at may isa pa kaming kasabay na sport nun. Di ko lang maalala. Ang tagal namin din bago nasundo sa airport. Halos oras din ata kami nag intay nun. Partida kasabay pa namin si “The Magician” Efren Bata Reyes nun. Pero ayos lang samin lahat.
Tapos kaming Badminton Team binaba kami sa maling hotel. So mga ilang oras din kami nag intay nanaman sa hotel na mali bago kami nasundo ulit.
Regarding naman sa foods. Yung unang araw namin sa hotel namin. Syempre gutom na gutom. Tuwang tuwa kami buffet ehh. Tapos pag kita namin sa mga food trays e halos iilan lang yung merong laman na food. Pero eventually naman umokay din.
For sure di kang kami yung sports na nakaranas ng mga pag kukulang nung 2017 SEAG.
At mayroon pang ilang issue padin kaming naranasan. Pero ganon talaga ehh.
Para sakin lang. Hindi naman talaga maiiwasan na magkaron ng pag kukulang minsan ehh. Kaso ang masakit tayo tayo na namang pinoy ang talagang nag papakalat pa eh.
Source: Anton Cayanan / Facebook