Marco Ezer Delas Alas |
Isang insidente na naman ang nag-viral ngayon tungkol sa pagkalimas ng lahat ng laman sa isang bank account mula sa isang depositor ng isang sikat na bangko dito sa bansa.
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang naging post ni Marco Ezer Delas Alas, kung saan ay nabiktima siya ng Phishing e-mail at siyang naging dahilan ng pagkasimot ng lahat ng kaniyang pera.
"T**g-*naaaaaaa. Pag may nagsend sa inyo ng ganitong email bogus to. Nasimot laman ng bank account ko. T-ng*na nanlalambot ako. P*****-*na talaga. Ingat nalang guys," saad niya sa kaniyang post.
Tingnan ang laman ng Phishing e-mail:
Ito ang e-mail na kaniyang natanggap |
Laman din nito kung paano niya di-umano ma-verify ang kanyang online bank account sunod lamang sa napakasimpleng paraan na nakalakip sa isang link na napaloob din sa email, at dito niya ibibigay ang mga hinihinging mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniyang account.
Wala pang isang oras ng magawa niya ang nabanggit sa E-mail ay nakatanggap agad siya ng Email notification mula na sa BDO mismo tungkol sa nagawang pagtransfer ng kanyang ng lamang pera sa kanyang account sa isang nagngangalang Janet Espada.
Ito ang E-mail ng Bangko, pagkatapos ng isang Send Money Transaction:
E-mail ng Bangko |
Talamak ang ganitong panloloko ng mga indibidwal na eksperto sa ganitong ka dumi na kalakaran di lamang sa bankong ito, kundi halos sa lahat, kung saan sa isang idlap lang ay limas lahat ang iyong pinaghihirapang pera na inipon.
Nag paabot din ng pag-alala at pagkabahala ang mga netizen tungkol sa di mapigil pigil na pambibiktima:
Ganun din sa TELEPHONE BANKING.HUWAG BASTA SASAGOT AT MAGBIBIGAY NG INFORMATION .TAWAGAN MO MUNA BANKO ,MO.At least yung advisor mo kasi dito abroad may sarili ka advisor yun ang palagi mo hahanapin at kakausapin mo sa banko mo uupo kayo sa office nya or table.nya. - Alicia Tarnate
If you receive any email from bdo.com.ph asking you to update your account online, you can forward that email to ReportPhishing@bdo.com.ph, because that is a scammer/phisher. Accdg to bdo, they do not ask their clients to update their account through email/online. They require personal appearance of their clients in their bdo branches for any changes in their account information. - Angelito Sleta
Meron ding mga netizen nagbahagi ng kanilang karanasan, na parehong nakatanggap ng e-mail kahit hindi tugma ang bangko nila sa pangalan ng bangko na nakalakip E-mail. May iba din sa kanila na nagpapa-alala mula sa mga kleyente ng BPI at ibang bangko na mag-ingat.
Ito naman ang e-mail na natanggap ng isang BPI client. |
***
Source: Marco Ezer Delas Alas 1 2
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!