Isang di magandang karanasan ang sinapit ng isang babaeng pasahero sa nasakyan nyang Angkas rider noong Sabado, Oktubre 5.
Ayon sa balita ni Zhander Cayabyab ng ABS-CBN news, galing sa inuman ang babae sa Project 6 Quezon City gabi ng Oktubre 5, nag-book ito ng Angkas pauwi sa kanila sa Eastwood.
Nahalata marahil ng rider na lasing ang kanyang pasahero, kaya naman na imbis na idiretso ang babae sa kanyang destinasyon, iniikot pa raw siya ng rider sa Katipunan at CP Garcia na taliwas na sa kanyang dapat na bababaan.
Sa kwento ng biktima, sa dami ng beses nilang paghinto sa madidilim na lugar, ay doon naman may ka-demonyohang ginagawa sa kanya ang rider.
Mabuti na lamang sa isang lugar na kanilang nahintuan, ay mayroong tanod na nagbabantay at agad nakahingi ng saklolo ang kawawang pasahero ng Angkas.
Tiklo ang tarantadong rider at agad nadala sa Anonas Police station, sa kalaboso ang bagsak nito.
Nahaharap ito sa kasong acts of lasciviousness ngunit mariing inirekomenda ng pulisya na isampa na ito sa kasong panggagahasa.
Dahil dito, nagpahayag ang ilang tumatangkilik sa Angkas ng kanilang takot at tila nawalan sila ng tiwala na sumakay muli dito lalo na kung gabi.
Narito ang sari-saring mga komento ng mga netizens:
“Hindi naman lahat nang angkas driver pero na experience ko narin yung ganyan kahit hindi sexy damit ko, lalo na ihihinto nang bigla huhu meron pa nga inintay pa ako sa workplace ko kahit di ako nagbook."
"No hate po, shinare ko lang experience ko pero di ako nagrereklamo. Super convenient po ni Angkas lalo na pag rush hour. Kawawa naman yung nagttrabaho nang maayos tapos nadadamay."
"Magsilbing aral toh sa lahat ng angkas driver na may balak na ganito sa mga pasahero nila!"
"Marami gusto maging angkas dahil ganyan ang balak kaya dapat nakareport lahat sa angkas para matanggal sila"
"Yaw ko na mag-Angkas, masyado nga naman kayong nagiging close ng driver"
"Di safe for girls ang Angkas.. mahirap na... masyado kasi malapit e"