Anak ng gurong ipina-Tulfo dahil ipinahiya daw ang isang estudyante, nagsalita na - The Daily Sentry


Anak ng gurong ipina-Tulfo dahil ipinahiya daw ang isang estudyante, nagsalita na



Si Kyla at ang kanyang ina na si Melita Limjuco / Litrato mula kay Kyla Limjuco
Mainit na usapin ngayon sa social media ang issue tungkol sa isang guro na pina-Tulfo ng ina ng kanyang estudyante.

Ayon sa kwento, ipinahiya daw ng gurong si Melita Limjuco, 54 taong gulang, ang kanyang estudyante tsaka pinalabas sa classroom. Eto ang dahilan ni Rosemil Edroso, ina ng umano'y batang ipinahiya na idulog sa programa ni Raffy Tulfo ang issue.


Hati ang reaksyon ng mga netizens na nakapanood ng episode ng Raffy Tulfo in Action. May mga sumang-ayon sa nanay ng bata pero marami rin ang sumuporta sa guro.

Rosemil Edroso, ina ng batang ipinahiya umano / litrato mula sa Raffy Tulfo in Action
Kahapon ay hindi napigilan ni Kyla Limjuco, anak ng gurong si Melita na ihayag ang kanyang saloobin sa nangyaring insidente.

Narito ang buong pahayag ni Kyla Limjuco sa kanyang Facebook account:

Ilang araw ang nakalipas simula nang mapag-usapan at umere sa Social Media ang usaping ito.

"MOMMY IPINA-TULFO ANG PASAWAY NA TEACHER NG KANIYANG ANAK!"

GNG. MELITA LIMJUCO, 54 TAONG GULANG. Guro mula sa mababang paaralang Epifanio Delos Santos na nagturo at nagserbisyo sa loob ng " DALAWAMPU'T SIYAM (29) NA TAON ".

At dahil mayroong kalayaan sa pagpapahayag bilang karapatang pantao, tulad ng pangyayaring ito. Ako naman ang magbabahagi ng aking sariling saloobin.


Samut-saring reaksyon ang nakita, nabasa at nabalitaan namin mula sa mga iba'-ibang taong NAKAKAKILALA man o HINDI sa nasabing guro na nagkataon ay NANAY KO PO. Karamihan sainyo'y may mga MATANG walang tigil sa kakapuna, BIBIG na puno ng haka-haka at sabi-sabi, TENGANG mapang husga na kung ano lang ang marinig ay agad pinaniniwalaan, ISIP na walang malawak na pang-intindi at pang-unawa at KAMAY na walang ginawa kundi' ang magbahagi ng NEGATIBO AT HINDI KAAYA-AYANG komento sa nangyaring insidente gamit ang facebook, messenger, youtube sa pamamagitan ng PAGMUMURA NANG PERSONAL SA SARILI KO PONG INA. NI MINSAN HINDI PO KAYO NAKATULONG SA SITWASYON, HALATANG WALANG ALAM MAGING SA AKSYON NA GINAGAWA. GANUN PA MAN' ANG NAKATATAAS NALANG PO ANG BAHALA SAINYO .

UMPISA palang, wala pong itinangging pangyayari. INAMIN ang kamalian kahit wala pang bakas ng CCTV. HUMARAP at NAKIPAG-USAP, HUMINGI NG PASENSYA AT PATAWAD tungkol sa nangyari.

PERO ANG SINUKLI ay isa pang KAHIHIYAN at DINAGDAGAN PA NG MGA KUNG ANO-ANO AT WALANG KWENTANG KUWENTO PARA LANG MAPASAMA ANG IMAHE NG ISANG TAO?

Maging ang iniIDOLo PO NG NAKARARAMI NA SI RAFFY TULFO. Hindi karapat-dapat ang titulong yan' para sakaniya. Marahil marami sainyo ang kaniyang natulungan pero sa pagkakataong ito, kahit kami ay hindi makapaniwala sa naging hatol niya sa aking ina na ang basehang pinaniniwalaan lamang ay ang kabilang kampo.


Ayan, trending na. 😊 SANA'Y NAKATULOG PO KAYO NG MAHIMBING AT NAPASAYA KAYO ng pangyayari. Masakit bilang isang anak, ang WALA KANG MAGAWANG AGARANG AKSYON PARA IPAGTANGGOL AT WAG' MASAKTAN ANG SARILI MONG INA. SAMANTALANG SILA, TODO ANG SUPORTA PARA LANG MAGKARON NG MAGANDANG KINABUKASAN AT MAPROTEKTAHAN ANG ANAK SA LAHAT NG ORAS.

Ngunit MAS NANINIWALA PO AKONG HINDI NATUTULOG ANG DIYOS. HINDI PO KAYO ANG HUHUSGA SA PAGKATAONG MAYROON SI GNG. MELITA LIMJUCO. AT LALONG HINDI IKAW MR. RAFFY TULFO ANG MAGDEDESISYON AT HUHUKOM KUNG ANO ANG KARAPAT-DAPAT PARA SA AKING INA.

Ganun pa man', sa kabila ng LAHAT ay TAOS PUSO PO AKONG NAGPAPASALAMAT, KASAMA NG AKING BUONG PAMILYA sa LAHAT ng NAGPA-ABOT NG SUPORTA AT PANININDIGAN PARA SA AKING INA personal man o sa likod ng social media na ito. Mas lalo po naming nabigyang halaga ang propesyong dahilan kung bakit patuloy kaming nabubuhay ng marangal; isa sa mga rason kung bakit kaming mga anak niya'y nakapagtapos ng pag-aaral at kung bakit hindi namin kailanman natutunang' gayahin ang ganitong sitwasyong puno ng PANGHUHUSGA at MAG-IMBENTO NG MGA KUWENTONG WALANG KATOTOHAN sa buhay ng ibang tao.

Hangad ko po ang katahimikan ng inyong mga mga puso't isip ukol sa isyung ito.

Source: Kyla Limjuco / Facebook