Alamin: Mga home remedy tips pangtanggal ng kulugo o warts, ano ang mga sanhi nito? - The Daily Sentry


Alamin: Mga home remedy tips pangtanggal ng kulugo o warts, ano ang mga sanhi nito?




Mga larawan mula sa Facebook at Pinterest


Pangkaraniwang problema na marahil ng marami nating kababayan ang nakakainis at nakakahiyang sakit sa balat na kilala sa tawag na kulugo o “warts” kung tawagin.

Karamihan pa nga sa atin ay napagkakamalang nakukuha ang kulugo mula sa paghawak ng palaka. Ngunit punabulaanan naman ito ng mga eksperto sa balat. Ayon sa isang dermatologist na si Dra. Jean Marquez, ang kulugo ay tumutubo sa balat dulot ng Human Papilloma Virus o HPV na maaaring makahawa. *

Ano nga ba ang sanhi ng kulugo o “warts”?

Ayon kay Dra. Jean Marquez, nagmumula ang kulugo mula sa pagkalat ng HPV, na syang nagdudulot ng pagdami ng kulugo. Nakukuha ang warts mula sa direktang pagkakadikit sa apektadong bahagi na may kulugo or skin to skin contact.  Maaring kumalat ang kulugo kapag hinawakan ng ating kamay ang parte ng ating katawan na mayroong kulugo.

Mabilis na kumakalat ang kulugo dahil ito ay nakakahawa gaya na lang nang paggamit ng tuwalya o mga personal na gamit ng taong mayroon nito.

Dagdag pa ng Dermatologist, nagmumula din ang pagkakaroon ng kulugo dahil sa maling pag-aalaga at paglinis ng katawan ng isang tao o yung tinatawag na poor hygiene. Ani pa ni Dr. Jean, ang virus ay maaring mabuhay sa ating kapaligiran, at maaring kumapit sa ating katawan.

Ilang uri ng kulugo ang maaring tumubo sa katawan ng tao

Bagaman, iisang uri lamang ng virus ang nagiging sanhi ng kulugo ang madalas kumakapit sa balat ng tao, mayroon naman itong iba’t-ibang klase nito depende sa itsura ng kulugo at kung saan ito tumubo, ayon sa pag-aaral. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng kulugo na makikita madalas sa tao:

1. Plantar warts – Karaniwan itong tumutubo sa ating talampakan. *

2. Genital warts – Kadalasang tumutubo ito sa ari ng babae, at ang pangatlo ay ang


3. Filiform warts – naman ang tawag sa kulugo na madalas tumutubo sa leeg at mukha. Ito ay maliliit at kadalasan kumpol-kumpol.

Mga larawan mula sa Youtube/Pinoy MD

Paano nga ba magagamot at matatanggal ang kulugo?

Naging karaniwan ng ginagawa ng nakararami na ang simpleng kulugo ay maari nang gupitin ang ibabaw na parte ng kulugo gamit ang nail cutter ay tuluyan nang matatanggal ito.

Dagdag pa ng Dermatologist, “the more na ginugupit mo, the more na nagsi-seed sya o parang nag-iimplant sya, tsaka baka mamaya, kapag kinukutkot mo, papaloob lalo ang tubo ng wart, mas mahirap na kunin” ani Dr. Marquez. 


Paliwanag pa ni Dr. Jean Marquez, ang pinaka-mabisang pagtanggal sa mga kulugo ay sa pamamagitan ng tinatawag “Carbon Dioxide Laser”. *

Ang Carbon Dioxide Laser ay isang proseso kung saan sinusunog ang mga kulugo at mas mabilis ang pag galling, di gaya ng mga regular na cautering na ginagawa ng iba at ginagamitan ito ng anaesthesia.

Dapat din isaalang-alang na tanging sa mga lisensyadong dermatologist lamang magpatanggal ng warts.

Payo pa ng doktor na huwag ito sunugin gamit sa pamamagitan ng kandila dahil baka magdulot lamang ito ng komplikasyon.

Bukod sa Carbon Dioxide Laser, may ilan ring home remedy na maaring gamitin upang pangtanggal nito. Isa na dito ang paglalagay ng "bawang" sa parteng may kulugo at tatakpan ito ng bandage. Ang bawang ay mayaman sa kemikal na epektibong nakakapatay ng mikrobyo at virus na tinatawag na “Allicin”.

Isa pa sa epektibong pangtanggal ng kulugo ay ang “Baking powder na hinaluan ng Castor Oil”, kung saan paghahaluin ito hanggang maging paste tsaka ipapahid gabi-gabi hanggang sa lumiit na ang kulugo.

Ngunit paalala ni Dr. Jean, mas mainam pa rin na magpakonsulta sa doctor upang maresetahan ng tamang gamot, mabigyan ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system, tamang oras ng pagtulog at ehersisyo upang hindi ito magpabalik-balik.

Anito, maaaring dumami pa ang kulugo kapag pinabayaan. Pinapayo din ng doctor na maging maingat palagi at maging malinis sa katawan. *