Ai-ai Delas Alas sa SEA Games issues: Wala na munang nega - The Daily Sentry


Ai-ai Delas Alas sa SEA Games issues: Wala na munang nega



Nanawagan ang comedienne aktres na si Ai-ai Delas Alas sa kapwa Pilipino na  huwag mag-focus sa mga hindi magagandang nangyayari sa idinaraos na SEA Games sa ating bansa.
Ai-ai Delas Alas / Larawan mula PEP

Sa kanyang Instagram post, hinihikayat niya ang lahat ng Pilipino na magpasalamat dahil tayo ang host ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Tama senator ... parang awa nyo na wala naman na munang nega .. enjoy naten ang sea games .. saka na kayo mag away away pag tapos na kasi para naman hindi nakakahiya sa mga bisita .. 🙏🏼” pahayag ni Ai-ai sa kanyang Instagram.
Larawan mula Inquirer

Ginawa ni Ai-ai ang kanyang post habang sumasang-ayon sa naging pahayag ni Senator Manny Pacquiao.

Ang panawagan ko po sa ating mga kababayan, magkaisa po tayo, suportahan natin ang mga atleta natin kasi ito ang mukha natin, ito ang karangalan nating lahat,” pahayag ni Pacquiao.

Kung ano ‘yung problema saka natin pag-usapan, after ng SEA Games,” dagdag nito.

Hindi si Ai-ai ang kauna-unahang celebrity na nanawagan sa mga kapwa Pilipino upang suportahan ang ating bansa sa pagiging host ng SEA Games.

Kamakailan lamang ay nanawagan rin si Robin Padilla na suportahan ang ating mga atleta at huwag i-focus ang pagbatikos sa mga problemang kinakaharap ng nasabing patimpalak. 

“Katulad ni senator Bong Go Ito rin ang naging pakiusap ko sa mga lumapit sa akin patungkol sa kanilang mga reklamo na May oras para sa ating sariling hindi pagkakaintindihan lalot dulot ng tradisyonal at baluktot na kultura ng pulitika nating naaagnas na sa baho. Hindi ko sinasabing pagtakpan ang mga isyu dahil hindi nararapat sapagkat totoo ang sinasabi ni heneral bong go ang mga ganitong system malfunctioned ay hindi kinakatakutan kundi pinag aaralan para wag mangyari uli. Hindi tayo dapat matakot magkamali kapag naghahangad ng tagumpay at ang tagumpay ng lahat ng ating mga pangarap para sa Inangbayan ay haharapin ng ating mga Atleta kailangan nila ang nag iisang boses ng mga Pilipino na nagkakaisa at isinisigaw ang ating Bansa habang nagwawagayway ng ating napakakulay na Bandila 🇵🇭 ito ang oras nating mga pIlipino wag tayo tayo ang maghilaan pababa itaas natin ang bawat isa! Tama din na pasalamatan natin ang mga manggagawang Pilipino na nagovertime sa paggawa at pagrenovate ng ating mga sports facilities hindi man sila nakaabot sa ibang deadline nila hindi naman ibig sabihin na silay nagpabaya maaring dulot ng hagupit ng kalikasan. Palagiang maging postibo muna tayo mga kababayan may oras para silipin ang mga pagkukulang sa ngayon purihin muna natin kung ano ang magandang nagawa ng ating mga kababayan na manggagawa para sa ating mga atleta at sa mga darating na henerasyon na mga kabataan. Patnubayan at pagpalain nawa ng Nagiisang Panginoong Maylikha ang Inangbayan Pilipinas at ang lahing Pilipino. Sumaatin nawa ang kapayapaan at tagumpay in shaa Allah 🇵🇭


***