Hindi kaila sa karamihan lalo na sa mga Chinese nationals, na halos lahat ng mga kalalakihan ay nagnanais na magkaroon ng anak na lalaki. Ito ay dahil sa ang mga lalaki ang magdadala ng kanilang pangalan at legacy.
Mario Ho, Ming Xi and son Ronaldo / Photo from ENT
Ikinatuwa ng isang businessman at Macau casino tycoon na si Stanley Ho ang pagkakaroon ng apo na lalaki matapos isilang si Ronaldo noong Oktubre 24.
Si Stanley ay mayroong apat na asawa, labing pitong anak at apo na puro babae.
Noong Oktubre 24, natupad ang pangarap ni Stanley na magkaroon ng lalaking apo mula sa kanyang anak na si Mario Ho 25, at asawa nitong isang Chinese supermodel na si Ming Xi.
Umani ng maraming papuri at ingay ang balitang ito sa kanilang pamilya at sa social media dahil ilang buwan bago manganak ang asawa ni Mario, sinabi nitong bibigyan siya ng kanyang ama ng 100 million yuan ($14.2 million) o mahigit kumulang na P717 million pesos bilang regalo.
Mario Ho, Ming Xi and family / Photo from ENT
Napakalaking pera nito para kay Mario, pero sa kanyang ama na si Stanley, walang katumabas ang sayang nararamdaman niya dahil sa wakas ay meron na itong lalaking apo.
Si Ronaldo ay ang kaisa-isang lalaking apo sa kanilang henerasyon. Ang lahat ng kanyang mga pinsan ay puro babae.
Sa edad na 98, masayang masaya si Stanley dahil nakilala pa niya ang kanyang unang apong lalaki.
Ayon pa sa isang report, ang mag-asawang sina Mario at Ming ay nakatanggap umano ng 500 million yuan ($71 million) noong sila ay ikinasal tatlong buwan na ang nakakaraan.
***
Source: Buzzooks