Larawan mula sa Abante |
Si Laurent Simons ay nag-aaral ng electrical engineering sa Eindhoven University of Technology (TUE) sa bansang Belgium at magtatapos na nitong paparating na Disyembre 2019.
Ayon sa pagsusuri, nasa 145 ang IQ ni Laurent, kung kaya naman hinayaan ng Eindhoven University of Technology (TUE) na matapos si Laurent nang mas maaga sa kanyang kurso, kumpara sa ibang mag-aaral.
"Special students that have good reasons for doing so can arrange an adjusted schedule. In much the same way we help students who participate in top sport." ayon sa education director ng TUE
"Laurent is the fastest student we have ever had here," saad nito.
Larawan mula sa telegraph |
Larawan mula sa Periodico Amarillo |
Kwento ng lolo ni Laurent, maliit na bata pa lamang ito ay nakitaan na siya ng angkin na talino at napatunayan naman ito ng kayang mga guro na nagbibigay sakanya ng sunod-sunod na pagsusulit para malaman kung hanggang saan ang talino nito.
Hindi parin malaman ng mga magulang ng bata na si Lydia at Alexander kung bakit ganito katalino ang kanilang anak, ngunit may hinala ang kanyang ina na madalas itong kumain ng isda noong ipinagbubuntis niya ni Laurent.
Banggit pa ng kanyang ama na si Alexander, balak ng anak na kumuha ng PhD sa kursong electrical engineering habang nag-aaral pa ito na kursong medisina.
"The absorption of information is no problem for Laurent, I think the focus will be on research and applying the knowledge to discover new things." ayon sa kanyang ama na si Alexander.
"We don't want him to get too serious. He does whatever he likes, we need to find a balance between being a child and his talents." dagdag pa ni Alexander.
Ganun pa man, nag-eenjoy din naman ito na makipag-laro sa sa kanilang alagang aso at maglaro ng mobile phone tulad ng ginagawa ng mga pangkaraniwang bata.
Nais naman ni Laurent na magbakasyon sa Japan pagkatapos nitong matapos ang kursong electrical engineering sa Disyembre.
****
Source: CNN