80-anyos na lolo, lumalakad ng 20 kilometro araw-araw makapagtinda lang ng bagoong - The Daily Sentry


80-anyos na lolo, lumalakad ng 20 kilometro araw-araw makapagtinda lang ng bagoong




Isang storya na naman ng pag-asa ang pumukaw ng atensyon at umani ng papuri mula sa mga netizen. Dahil sa kabila ng kanyang hirap sa pagkilos dala ng katandaan, kinakaya ng isang lolo ang mabuhay ng sariling sikap.

Kilala bilang si Manong Lauro, araw-araw nyang nilalakad ang humigit kumulang 20 kilometro mula sa kanyang tahanan sa Bitukang Manok sa Pandi, Bulacan papuntang Real de Cacarong nasa Pandi din. Ito ay para sya ay makapagbenta ng bagoong.


Sa kanyang pagdadala ng isang timba ng bagoong araw-araw, ang kinikita lamang ni Manong Lauro ay P50.00. Kung kaya naman minamabuti nya na lamang na lakarin ang daan papuntang Real de Cacarong dahil kung hindi, ay mauubos lamang ang kanyang pera sa pamasahe.

Matapos mag-viral ng kanyang kwento sa Facebook page ng Trending Pinoy Videos, marami ang nagsabi na sa edad nyang iyon, dapat ay hindi na sya nagbubuhat pa ng ganoon kabigat at naglalakad ng ganoon kalayo para lamang kumita. Lalo na't ang minimum na sahod sa Bulacan ay P300.

Bukod pa doon, dapat sana ay nasa bahay na lamang sya at nagpapahinga sa edad nya na iyon.

Gayunpaman, marami pa din ang mga netizen na bumilib kay Manong Lauro na nagsilbing mukha ng pagsisikap. Sa kabila ng kanyang katandaan, nagsusumikap pa din sya na kumita sa araw-araw. Tinalo pa nya ang mga taong mas bata at mas malakas sa kanya na umaasa lang sa ibang tao.

READ Netizen, nagulantang nang malaman kung saan napunta ang mga inutang sa kanya ng ate nya

Source: Rachfeed