8-anyos na batang mas mataas ang IQ kay Einstein, magkokolehiyo na para maging astronaut - The Daily Sentry


8-anyos na batang mas mataas ang IQ kay Einstein, magkokolehiyo na para maging astronaut




Hinahangaan ngayon sa Mexico ang isang batang babae. Itinuturing kasing henyo ang batang 8 taong gulang pa lamang.

Dahil tapos na sa high school ang bata na kinilalang si Adhara Perez, naghahanda na sya para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Ayon sa balita, plano ng bata na mag-aral ng astrophysics para sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging astronaut. Kukunin umano ni Adhara ang kursong nabanggit sa Estados Unidos.

Isa pang nakakamangha sa bata ay mas mataas pa ang intelligence quotient o IQ nito kaysa sa mga kilalang personalidad na sina Albert Einstein at Stephen Hawking, pawang matatalino sa kanilang napiling larangan. Si Adhara ay 162 samantalang sina Albert Einstein at Stephen Hawking ay parehong 160. Yan ay base sa ulat ng Inquirer


Una nang na-diagnose si Adhara na may Asperger’s syndrome, bagay na nakaapekto sa kanyang pakikisalamuha sa ibang mga tao.

Natapos nya ang elementarya sa edad na 5 at grumaduate sa middle school noong 6 years old pa lamang ito. Opisyal na nagtapos ang 8 anyos na si Adhara sa high school.

Sa kasalukuyan, nag-aaral sya online ng kursong industrial engineering in mathematics sa Universidad Tecnológica de México (UNITEC) at systems engineering sa ilalim ng Comprehensive National Cybersecurity Initiative (CNCI).

Nakapagsulat na din ng libro ang batang henya na may pamagat na "Do Not Give Up" ayon sa People. Isa rin sya sa kinilalang 100 Most Powerful Women ng Forbes Mexico.