Grade 1 student mag-isang inaalagaan ang paralisadong ama matapos silang iwanan ng kanyang ina - The Daily Sentry


Grade 1 student mag-isang inaalagaan ang paralisadong ama matapos silang iwanan ng kanyang ina



Napaka-swerte ng mga batang ipinanganak na mayroong mapagmahal na mga magulang. Ngunit mas maswerte ang mga magulang na nagkaroon ng maalagain, mapagmahal at marespetong mga anak.
Ou Yanglin at Ou Tongming / Larawan mula CEN

Sa isang baryo ng Wangpu sa Guizhou province, southwest of China, nakatira sina Ou Yanglin, 7, at ang kanyang ama. 

Araw-araw ay gumigising si Yanglin ng 6 ng umaga upang alagaan ang kanyang ama. Halos mag-iisang taon na itong ginagawa ng bata. 

Natutunan niyang magluto at mamalengke kahit na siya ay grade 1 student pa lamang. Pinapakain ni Yanglin ang kanyang ama bago ito pumasok sa eskwelahan.
Ou Yanglin / Larawan mula CEN
Ou Yanglin / Larawan mula CEN

Si Ou Tongming, 37, na ama ni Yanglin ay paralisado simula pa noong Hunyo 2013, dahil sa pagkakalaglag nito simula second floor ng isang bahay na under construction.

Nagkaroon ng injury sa kanyang likod si Tongming kaya paralisado siya simula beywang pababa.
 Ou Yanglin at Ou Tongming / Larawan mula CEN
 Ou Tongming / Larawan mula CEN

Isinama ng asawa ni Tongming ang kanilang babaeng anak at iniwan sila nang maubos na ang kanilang naipong pera dahil sa mga biniling gamot.

Simula noong ay mag-isa ng inalagaan ni Yanglin ang kanyang ama. Pagkatapos ng eskwela ay naghahanap ito sa bangketa ng mga bagay na pwedeng niyang ibenta. Kumikita si Yanglin ng $4 o P200 kada isang araw at iniipon ito upang maidagdag sa $44 o P2225 monthly disability benefits ni Tongming.

May father needs medicine, but I don’t have any money,” saad ni Yanglin.
Ou Yanglin at Ou Tongming / Larawan mula CEN

Pag-uwi ni Yanglin ay siya narin ang mismong naglalagay ng gamot sa likod ng kanyang ama. Nagkaroon na ng bedsores si Tongming na nauwi na sa pagiging ‘ulcerated’ dahil sa palagi lamang itong nakahiga. Ang infection ay umabot na raw sa kanyang pelvis.

Bilang ama, alam raw ni Tongming kung gaano kahirap ang dinadanas ng kanyang anak. Naisipan na raw niyang kitilin ang kanyang buhay ngunit hindi niya ginawa dahil ayaw niyang maiwang mag-isa ang kanyang anak.

Samantala, gusto ni Yanglin na siya ay lumaki na kaagad upang makapag-ipon siya ng pera para sa treatment ng kanyang ama.
 Ou Yanglin at Ou Tongming / Larawan mula CEN
Ou Yanglin at Ou Tongming / Larawan mula CEN

I can’t live without my father,” sabi ni Yanglin.

Marami ang naantig sa istorya ni Yanglin at mayroong mga umawa ng charity fund upang tulungan ang pitong taong gulang na bata.


***
Source: Elite Readers