Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro |
Nakakabilib at kahanga-hanga ang di matawarang kasipagan at pagpupursigi sa buhay ang ipinapakita ng isang matanda na kahit sa kanyang katandaang edad ay pinipili parin magtrabaho at umeekstra-ekstra para lang may kaunting kita pantawid sa pang-araw-araw na gastusin.
Viral ang post ni Kewol Oro, tungkol kay Lolo o mas kilala bilang si Tatay "Bro" Boy, isang senior citizen at dating empleyado ng isang kilalang gasoline station.
Ayon kay Oro, boluntaryo nalang na pumapasok si Tatay Boy sa gasolinahan ng Shell bilang taga pag-assist ng mga kustomer na nagpapahingin ng kanilang mga gulong para kahit papano ay may kaunting barya-barya siyang kita galing sa mga nag-aabot ng tip sa kanya.
Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro |
Halos limang dekada niyang iginugol ang sarili sa pagtatrabaho sa nasabing gasolinahan at sa katandaan ay nag resign na siya ngunit sa pangangailangan, ito siya ngayon umeekstra para sa pabarya-baryang kita.
Marami din sa mga netizen ang naantig at nahabag kay Lolo, na sa halip ay dapat nagpapahinga na lang sa kanyang edad at ini-enjoy nalang sana ang buhay ay pinili pa ring kumayod sa buhay.
Ito ang buong Facebook post:
#TatayBro
Pag nagpahangin po kayo ng gulong sa Shell TS Cruz (Alabang-Zapote Rd, Almanza) at si tatay "Bro" Boy, 68y/o ang nag assist sa inyo, bigyan nyo po sya ng tip kahit papano.
47 yrs daw po syang naging empleyado sa Shell (ang tagal, kasing tagal na ng kanyang sobrang kupas na suot na polo shirt at sumbrero).
Good job tatay bro!
#PagGustoMaramingParaan #ProudPoKamiSayoTatay
Thank you Shell for helping tatay Boy in a simple way.
@shell #Shell @ShellPhilippines #KMJS #RatedK
Nag resign na daw po sya 2yrs ago at minsan pumupunta sa Shell at ang kinikita nya ay galing sa mga tip na binibigay sa knya- umeekstra ekstra sya sa air pump section on his free will para may konting kita at exercise sya...
Larawan kuha mula sa post ni Kewol Oro |
Alabang–Zapote Road, Almanza Uno, Las Pinas, 1750 Metro Manila
*Near Ohana, TS Cruz, infront of Las Pinas Night Market
***Im not associated with Tatay Boy po. If you want to extend help, you can directly hand it to him. Mas maapreciate po nya ang maagang pamasko..
GOD BLESS EVERYONE!
***
Source: Kewol Oro
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!