4 na pulis, pinarusahan dahil sa paglalaro ng Mobile Legends habang nasa duty - The Daily Sentry


4 na pulis, pinarusahan dahil sa paglalaro ng Mobile Legends habang nasa duty



Pinagsamang larawan mula sa RMN at bgamez
Parusa ang inabot ng apat na pulis na naka-destino sa Boracay matapos mahuling wala sa kani-kanilang duty sa halip ay naglalaro ang mga ito ng online game na Mobile Legends.

Ayon kay Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-6), naaktuhan mismo ang apat na kawani na ng lalaro umano ng “Mobile Legends” at nanonood ng Youtube ang ilan.

Bilang parusa, sapilitang pinag-ehersisyo ang mga ito sa harap mismo ng kanilang station sa Boracay.

Kamakailan lamang kasi ay mahigpit ng ipinagbabawal sa mga pulis ang paggamit ng cellphone habang nakaduty upang maiwasang mawala sa pokus sa oras ng may nangangailangan ng tulong.
Larawan mula sa rmn
Inulan naman ng pagbatikos mula sa mga netizens ang nangyaring ito at ayon kay Lorena Domingo Gutay, maging sa kanilang lugar daw ay walang pakialam ang mga pulis at ginagawa pa umanong inuman ang kanilang station.

"Dito sa chekpoint sa gensan ganon din.. Madaanan mo mga pulis nga cp at wala pakialam sau na nagdaan ka sa harap nila", banggit naman ni Joezel Aquino.

Ayon naman kay Jaime Musa, dapat ay suspension ang maging parusa ng mga pulis at hindi lang ehersisyo.

****

Source: rmn.ph