Larawan mula sa UNTV |
Ayon sa ulat, isang lulong sa paglalaro ng online games na teenager ang natagpuang wala ng buhay sa harap mismo ng kanyang computer.
Ugali umano ng 17 anyos na lalaki ang maglaro ng online games hanggang magdamag at hindi na ito lumalabas ng kanyang kwarto.
Ayon sa kanyang magulang, aminado silang hirap nilang pigilan ang kanilang anak sa pagbababad sa harap ng computer.
Kwento pa ng magulang na dinadalhan pa nga raw ito ng pagkain sa kanyang kwarto dahil halos hindi na ito maistorbo sa kanyang paglalaro.
Gising daw magdamag ang teenager at kapag magliliwanang na ay tatakpan nito ng kurtina ang kwarto upang maging madilim ulit ang paligid.
Larawan mula sa Youtube |
Nito lamang Nobyembre 4, pumasok ang kanyang ama sa kwarto at laking gulat nalang nito na nakahiga na sa sahig ang kanyang anak habang wala na itong malay.
Sinubukan pa raw itong i-salba ngunit hindi na raw ito rumesponde at tuluyan na itong hindi nagising.
Ayon sa pagsusuri sa katawan ng bata, napag-alamang stroke ang dahilan ng kanyang pagkawala dahil sa magdamagang paglalaro ng computer.
Matatandaang kinumpirma na dati ng World Health Organization na ang sobrang pagkahilig sa online games ay isa nang sakit sa utak.
Magsilbing maging babala ito sa mga magulang na dapat patnubayan ng mabuti ang mga anak lalo na kapag napapansin na sobra na ang pagkahilig ng inyong anak sa online games.
Larawan mula sa apdifference |
Basahin naman ang reaksyon ng mga netizens sa ibaba:
Marlin Jacobe Magulang pa rin ang batas sa loob ng bahay. Lalong lalo sa ikakabuti ng mga anak. Kung may impluwensya man ang kabataan sa labas, wag naman din sana kalimutan ang role ng mga magulang sa ganitong pagkakataon. Tutukan/i-guide ang mga anak, hindi rason ang "busy sa work" sa mga magulang na family ang priority.
Jennie Ann Sambilay Evangelista Sana ipinaputol si wifi, tas binenta si computer, binawasan ng allowance at kinuha si smart phone tas dinala sa doctor nung magulang kahit sa psychiatrist para sana hnd umabot sa ganyan, kaysa namn sa hinayaan na lang nila na para bang wala ng maisip na paraan para maahon ung anak sa pagka lulong
Lhanie Madrona Lozada Yan ang dami ng nangyayari sa mga kabataan bat di pa yan I block mga system ng online games wala na ang naidudulot na maganda lalo ba po sa kabataan kaya pls lang sana mabigyan ng attention naman po to
Riza Fajardo nasobrahan yan ng kakagamit ng computer/internet baka nasobrahan ng radiation...masama din kasi ang sobra sobra sa kakalaro
****
Source: KAMI