Larawan mula sa iAfrica |
Ayon sa inilabas na balita ng ABS-CBN News, isang 17 anyos na lalaki sa Amerika ang sumailalim sa double-lung transplant matapos lubhang masira ang kanyang baga dahilan ng sobrang paggamit ng Vape.
Ayon sa panayam ng doktor na si Dr. Hassan Nemeh ng Henry Ford Hospital sa Detroit, malaki ang posibilidad na bawian ng buhay ang 17 anyos na lalaki kung hindi agad naagapan ang kanyang baga.
Lumabas sa pagsusuri na ang baga ng binatilyo ay puno ng gasgas, tumigas na at halatang sunog na ito.
“What I saw in his lungs is like nothing I’ve seen before, and I’ve been doing lung transplants for 20 years, This is an EV_L I haven’t faced before.” ayon sa Dr. Nemeh.
Larawan mula sa twnews |
Sa ngayon ay nagpapagaling na ang binatilyo na ayaw pangalanan para na rin sa kanyang privacy, pero hindi pa ito nakakalabas ng ospital.
Ganun pa man, gustong maglabas ng statement ang kanyang pamilya upang maging babala ito sa karamihan na gumagamit ng vape na dapat na itong tigilan.
“We asked Henry Ford doctors to share that the horrific life-threatening effects of vaping are very real! Our family could never have imagined being at the center of the largest adolescent public health crisis to face our country in decades.
“Within a very short period of time, our lives have been forever changed. He has gone from the typical life of a perfectly healthy 16-year-old athlete — attending high school, hanging out with friends, sailing and playing video games — to waking up intubated and with two new lungs, facing a long and painful recovery process as he struggles to regain his strength and mobility, which has been severely impacted.” ayon sa pamilya ng bata.
Hindi naman sinabi kung anong klaseng vape ang ginamit ng bata at kung gaano kadalas o katagal niya itong ginagamit.
Larawan mula sa Yahoo |
Ayon sa pag-aaral, nasa 86 na porsyento na pasyente ng pagkasira ng baga ay gumagamit ng vaped THC o isang klase ng kemikal na galing sa "mary jane" na nakaka-high.
Basahin naman ang ilan sa komento ng netizens sa ibaba:
Gold Langcay Brillantes-Canapi Ang diko maintindihan, sensationalized ang vaping while ang yosi had been there for decades. At may mga warning pa sa kaha ng yosi, pero hanggang ngayon walang magawa ang mundo sa pag puksa ng sigarilyo. Napaka ironic.
haron Medina Catua kesa taasan ng presyo ang alak sigarilyo at vape. bkit hindi nlang tuluyan tanggalin ipagbwal ang pggawa at pgbenta ng mga gnyan kung tlgang concern kyo sa kalusugan ng mga tao. dahil kahit gaano pa kataas ang presyo ng mga yan bibilhin at bbilhin parin ng mga lulong sa alak vape lalo na sa sigarilyo. pero kung tuluyan ng tangalin yan wla ng mbbili pa.
Oxalis Cate Tigilan nyo nalang paglanghap o pagpasok ng kemikal sa katawan nyo 😁 pili nalang ng ibang recreational activities like cycling.
Marissa Antones Angcao Kaya ipagbawal na talaga pagtitinda ng tinging sigarilyo para mga kabataan hindi na mkabili ng pa stick stick, ang sagwa rin tingnan ng mga nagve vape.
****
Source: news.abs-cbn.com