Larawang pinagsama mula sa Instagram Account ni Yasmien Kurdi |
“walang mataas na bundok ang hindi kayang maabot”.
Nito lamang nakaraang Marso, nakapagtapos si Yasmien ng kolehiyo at may kasama pang flying colors sa kabila ng ilang taong paghihirap at pawis na kaniyang ibinuhos sa pag-aaral.
Nakapagtapos si Yasmien sa Arellano University sa kursong Political Science. Inamin din ng aktres kung gaano kahirap ang kaniyang pinagdaanan habang pinagsasabay ang pag-aaral at sa kaniyang career lalo na at mayroon din siyang mga ilang proyekto sa Kapuso network.
Larawan mula sa Instagram Account ni Yasmien Kurdi |
Ngunit sa huli, napagtagumpayan ni Yasmien ang pag-aaral at kaniyang ibinahagi sa atin na hindi lamang siya nakapagtapos ng college kung nakapagtapos siya bilang isang Magna Cum Laude.
Ang Startruck alumna ay ibinihagi ang kaniyang tagumpay sa kaniyang Instagram account at nagpasalamat sa mga taong palaging andyan para suportahan siya sa lahat ng kaniyang gagawin.
Nagbigay din ng maikling pagbati ang ilang mga artista katulad nina Rodjun Cruz, Mariz Umali, Jonalyn Viray, Diana Zubiri, at Gina Alajar sa tagumpay ng aktres.
Larawan mula sa Instagram Account ni Yasmien Kurdi |
Nagbigay din ng maikling pagbati ang ilang mga artista katulad nina Rodjun Cruz, Mariz Umali, Jonalyn Viray, Diana Zubiri, at Gina Alajar sa tagumpay ng aktres.
Ang 30 anyos na aktres din ay nagbigay ng payo at mensahe sa mga working student na dapat hindi maging hadlang ang kahirapan upang ipagpatuloy ang pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Payo ni Yasmien,
“To all the working students, never stop reaching for your goals and dreams in life! Do your best all the time. Life is hard but you have to keep pushing forward. Feed your mind with positivity like ideas of success, not failure.”

Talagang nakakahanga ang mga ganitong uri ng tao na kaya pa din isingit ang schedule ng kanilang pag-aaral at tapusin ito sa kabila ng kanilang edad, estado ng buhay, at pagtatrabaho upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Source: Recovery Crate
Source: Recovery Crate