Ibinunyag ng ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda na dumating din siya sa puntong gusto na niyang iwanan ang nasabing show.
Vice Ganda / Photo from CNN Philippines
Ito ay noong taong 2010 kung saan pre-programming pa lamang ang palabas sa ABS-CBN.
"After noong first year, nagpaalam na ako. I felt so tired. Yung araw-araw, 'sample sample,' araw-araw, kailangan ko mag-isip ng 'May nag-text!' Feeling ko, naubos ako."
"Sample, sample" at "May nag-text!" ang mga punchlines ni Vice Ganda bilang isang punong hurado noon.
Mas lalo pa raw siyang nahirapan noong sumikat na siya dahil sa kanyang mga pagpapatawa sa It’s Showtime.
"Tapos hindi ako sanay sa showbiz, nabigla ako sa pagbabago sa buhay ko na hindi ko nasabayan. Feeling ko, ang dami kong di magawa. Hindi ako makalabas ng bahay, hindi ako makapag-dyowa, hindi ako makaraket, hindi ako makaconcert sa ibang bansa kasi kailagan araw-araw, nasa Showtime ka.”
Vice Ganda / Photo from Philippine Star
"Tapos, napagod talaga ako and at that time, hindi ko nakikita yung purpose ng pagshu-Showtime ko. Akala ko lang, raket ko lang yung pagshu-Showtime, kikita."
Ibinunyag din ni Vice na five thousand pesos ang kanyang kinikita noon kada araw sa It’s Showtime.
"At that time, P5000 pesos a day ang sweldo ko. So wala kang P.A., wala kang make-up artist, wala kang hairstylist.”
"Ako ang damit, wala ako ibang stylist. Sabi ko, parang it's not worth it. Parang lugi ako, parang uuwi ako na walang nai-uwing sweldo sa akin, kasi ibabayad ko sa nag-make-up sa akin, ibabayad ko sa nag-ayos ng buhok sa akin, ibabayad ko sa tumulong sa aking P.A., ipangkakain mo pa, ipapang-parking, ipambibili ng damit.”
"Tapos pagod na pagod talaga, feeling ko, hindi na ako nakakatawa. Feeling ko, wala na akong maisip na ipagpapatawa pa, parang lahat yata ng jokes, naubos ko na noong taong yun.”
"Sabi ko, feeling ko po, hindi na ako magiging effective kasi ubos na ako. Feeling ko talaga hindi na ako nakakatawa, kaya feeling ko, kailangan ko nang bumalik sa comedy bar kasi feeling ko, nangalawang na ako dahil hindi na ako nagko-comedy bar.”
"So, gusto kong mag-comedy bar na lang, tapos regular guesting, pero yung regular show, hindi muna."
Ayon kay Vice, kinausap raw niya ang ABS-CBN management ngunit hindi nila tinanggap ang kanyang resignation. Pero pinayagan naman itong magbakasyon.
"Nakipag-usap ako sa management na hindi ko na po bet. Tapos si Ogie Diaz, sabi niya, 'Sige, pahinga na lang muna tayo,' kasi nakita niya talaga, pagod na pagod ako.”
"Tapos parang mga isang buwan iyon na wala ako sa Showtime pero hindi nila ako pinapayagang mag-resign talaga. Pero rumaket ako, nag-tour ako abroad. So habang nagtu-tour ako, everyday, naka-Facetime!"
"Nakikita pa rin nila ako sa TV kasi pine-Facetime nila ako, kahit kumakain ako, naliligo ako, nasa banyo ako abroad, pinapakita nila."
Ayon kay Vice, noong nagbakasyon siya ay na-miss niya ang Showtime, lalo na ang kanyang co-host na si Anne Curtis.
Vice Ganda and Anne Curtis / Photo from VIVA Entertainment
"Namiss ko yung Showtime, namiss ko si Anne. Si Anne talaga yung nasanay ako na nakikita ko si Anne Curtis, parang ayoko nang hindi ko kasama si Anne Curtis.”
"Si Anne yung isa sa pinakamalaking rason kung bakit gusto kong bumalik ng Showtime. Tapos kinausap ako ng management, ganito, inayos nila ang lahat, tapos dinagdagan nila ang sweldo, aarte ka pa ba!"
"Pero ngayon talaga, nasa punto ako ng buhay ko na hindi ko kayang mawala sa Showtime at hindi ko kayang mawala ang Showtime sa buhay ko. Nakuha ko na yung halaga niya sa buhay ko."
***
Source: PEP