Photo from The Trending Planet |
Karamihan ay namimili na kaagad ng kanilang maaaring iregalo o ibigay sa kanilang mga mahal sa buhay o mga inaanak. Bago sumapit ang pasko, ang pagbili ng mga pang-regalo ay isa na sa mga nakasanayan ng mga Pilipino.
Maraming mga Pilipino ang nakasanayang pumunta sa Baclaran, Greenhills, o Divisoria upang mamili ng kanilang pang-regalo sa pasko. Ngayon, marami na rin ang naeenganyong dumayo sa Taytay Tiangge dahil sa balitang mura pero dekalidad ang mga pang-regalo dito kumpara sa mga nabibili sa palengke.
Litrato mula sa It's More Fun with Juan |
Sa Taytay Rizal matatagpuan ang Taytay Tiangge na kung saan ito ay tinatawag din bilang "Garments Capital of the Philippines." Ito ay bukas ng alas-otso ng umaga hanggang alas-sais ng gabi tuwing Lunes hanggang Linggo, kaya naman tunay na nakaka-enjoy na mamili sa tiangge na ito.
Tuwing Lunes at Huwebes naman ng alas-singko ng hapon hanggang alas dose ng madaling araw ay binubuksan naman nila ang kanilang "Night Market." Malapit ang tiangge sa Club Manila East, Taytay at ito ay makikita sa Manila East Road, Don Hilarious Ave., Baranggay San Juan, Taytay, Rizal.
Litrato mula sa Moneymax |
Litrato mula sa Wanderein |
Ngunit, dapat din nating alalahanin na tayo ay mag-ingat at bantayan ng mabuti ang ating mga gamit, at maging mapagmasid sa ating kapaligiran dahil na rin isang pampublikong lugar ang Taytay tiangge. Huwag magdala ng mamahaling mga cellphone, wallet, bag, o kaya naman ay huwag magsuot ng mamahaling alahas.
Ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa Pinas ay maituturing na pinakamasayang selebrasyon dahil ang pag-asa, pagbibigayan, pagiging kumpleto ng pamilya, at pagmamahalan ang siyang mga importanteng bagay na talaga namang nagpapakumpleto ng Pasko para sa mga Pilipino.
Source: Juan Tambayan