SSS Magbibigay ng Hanggang P70k Maternity Benefits Para sa mga Buntis - The Daily Sentry


SSS Magbibigay ng Hanggang P70k Maternity Benefits Para sa mga Buntis



Larawang pinagsama mula sa Google
Ang maternity financial assistance ay isa na siguro sa mga good news na maaaring marinig ng mga ina dahil ito ay hindi lamang makakatulong sa kanila kung hindi para sa kanilang mga anak o magiging anak.
Larawan mula sa Tech Pilipinas
Kamakailan lamang, ang Social Security System (SSS) agency ay inilabas ang balitang ito.

Saad nila na ang maximum maternity financial assistance na ibibigay ng SSS sa January 2020 ay maaaring umabot ng nasa Php70,000.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, kasunod nito ay ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11210 o tinatawag na Expanded Maternity Leave Act at ang SSS Act of 2018, base sa pahayag ng CEO at Presidente ng SSS na si Aurora Ignacio.
Larawan mula sa Google
Ang benepisyo sa mga miyembro ng SSS ay madadagdagan dahil na rin sa pagpapatupad ng bagong minimum at maximum na salary credit kada buwan.
Larawan mula sa Google
Dahil dito, ang mga ina na nakatanggap ng nasa Php32,000 ay maaaring makatanggap ng doble sa halaga na ito.
Larawan mula sa Google
Base din sa pahayag ni Ignacio, mayroong higit na 122,000 na ina ang nakatanggap ng dagdag benepisyo mula nang mapatupad ang Expanded Maternity Leave Act.

Lumilitaw na ang SSS ay makakatanggap ng nasa Php2.67 bilyon para sa maternity benefits mula January hanggang April ngayon taon, kung saan ito ay mas mataas ng nasa 15.09 percent sa nakaraang taon at sa parehang panahon.
Larawan mula sa SSS
Marami ding mga buntis na ina ng nagpapasalamat at masaya para sa good news matapos itong ibalita ng SSS agency.
Larawan mula sa Google
Ayon sa kanila, ito ay makakabawas sa pakikipagsapalaran at maaari pang makatulong sa kanilang panganganak hanggang ang kanilang delivery ay mayari.
Larawan mula sa Google
Tunay nga na ang maternity benefits na ibibigay ng SSS ay makakatulong hindi lamang sa mga ina kung hindi pati sa kanilang mga anak. Maaari ding silang makapagpahinga ng maayos nang hindi iniintindi ang magiging bayad ng kanilang sweldo o trabaho dahil sa Maternity Leave Act.

Source: Philippines Report