|
Larawang pinagsama mula sa Real Living |
Isang three-bedroom house ang iniregalo ni Piolo Pascual sa kaniyang ina na si Amelia "Amy" Pascual at ito ay matatagpuan sa Diamond Bar, isang lugar sa Los Angeles Country, California, USA.
Ang nasabing pag-aari ay mayroong swimming pool, damuhan, at hiwalay na cottage para sa aktor kung sakaling bibisita man siya sa bahay. Ito din ay sumakop ng nasa 1,200 square meters.
Noong una, si Mommy Amy ay nagdalawang isip muna na lumipat sa bahay dahil nasanay na din siya na manirahan sa four-bedroom house sa Monterey Park na sa parehong syudad. Para kay Mommy Amy, ito ang kaniyang pinakamalaking investment, ang kaniyang pag-aari ay kumakatawan sa paghihirap na kaniyang ginawa sa loob ng ilang taon. Ngunit ang kaniyang mga anak ay nakumbinsi siya na lumipat sa isang tahimik at mas pribadong komunidad.
|
Larawan mula sa Real Living |
Sa bahay ng ina ni Piolo hindi gaanong mataas kumpara sa bahay ng aktor sa Las Vegas, na mayroon lamang itong mas mababang bakod na bato na nagsisilbing hangganan.
|
Larawan mula sa Real Living |
Ang tatlong pirasong sala set ay mula pa sa lumang bahay ni Mommy Amy sa Monterey Park na nasa kaniya na mula pa 1999. Ang nasabing set ay nasa magandang kondisyon pa din kung saan hindi na niya kinailangan bumili pa ng bago.
Ang living area naman sa bahay ay mayroong minimaslist na disensyo na mayroon lamang mga importanteng kagamitan. Nakakadagdag din ng kulay sa espasyo ang mga sumusong: ang isang family portrait ng mga Pascual na kinuhanan ni Raymund Isaac at isang abstract painting na ginawa ni Ivan Acuña.
|
Larawan mula sa Real Living |
Nagmula din sa bahay ni Mommy Amy sa Monterey Park ang glass-topped dining table na para sa anim na katao. Ito ay isang replika ng The Creation of Adam painting na ginawa ni Michelangelo sa kisame ng Sistine Chapel na nakakabit sa isang dingding nito.
|
Larawan mula sa Real Living |
Napakaelegante din ng koleksyon ni Mommy Amy ng mga porcelain at crystal na mayroong isang cabinet na naka-display na nakalaan lamang sa kaniyang koleksyon.
Mayroon ding L-shape layout ang kusina nito kung saan madali na lamang para kay Mommy Amy ang gumalaw galaw sa espasyo para sa pagluluto at pag-aayos ng mga pagkain.
|
Larawan mula sa Real Living |
Ang kwarto naman ay mayroong iba't ibang klase ng kulay ng lila na paboritong kulay ni Mommy Amy.
|
Larawan mula sa Real Living |
Maaari ding mapanood ni Mommy Amy ang mga shows ni Piolo sa TV sa kaniyang komportableng queen-size bed. Ang ceiling fan naman na mayroong leaf-shaped ay dumadagdag din sa pagka African-Safari ng espasyo.
Ang walk-in-closet at banyo naman ni Mommy Amy ay mayroong white couche, dresser, at istante para sa kaniyang koleksyon na mga manika.
|
Larawan mula sa Real Living |
Mayroon namang pribadong cottage si Piolo sa tirahan ng kaniyang ina. Kahit na madalang siyang pumuta dito, mayroon pa din itong mga pangunahing kagamitan, na kung saan naayon sa hilig ng aktor sa mga simpleng bagay.
|
Larawan mula sa Real Living |
Ang backyard ay nagsisilbing playground ng mga apo ni Mommy Amy. Ang kanyang mga apo ay maari ding mag-swimming sa kaniyang pool.
|
Larawan mula sa Real Living |
Makikita malapit sa backyard ay ang veranda, kung saan ang black leather couch ay nakalagay sa tapat ng isang malaking TV set. Mayroon ding isa pang lugar sa bahay na para sa mga apo ni Mommy Amy.
Source:
Real Living