Silipin ang French-Meditteranian Mansion ni John Lloyd Cruz - The Daily Sentry


Silipin ang French-Meditteranian Mansion ni John Lloyd Cruz



Larawang pinagsama mula sa Google at Real Living
Tinaguriang lady’s man na kung saan napakaraming babaeng mga fans ang nagpantasya sa isang aktor na eto. Sa sobrang galing nya sa pag arte ay talagang napakarami etong naging role sa sine at telebisyon. Bukod sa talent neto, tila halos lahat na lang ng kanyang katambalan ay tiyak na ang fans ay titilian. Sya ay sobrang in-demand sa mundo ng showbiz dahil sa nagiging block-buster talaga ang kanyang mga naging pelikula. Eto ay walang iba kundi si John Lloyd Cruz.

Si John Lloyd ay nagsimulang umarte sa mga drama ng mga teens hanggang sa lumago ang kanyang career habang tumatanda eto. Kung ating maaalala, mapapanuod sya dati sa telenovela na I love Betty La Fea ni pinagtatambalan nya at ni Bea Allonzo. Bukod dito, nagkaron din sya ng teleserye tulad ng It might be you, Home sweetie home, maging sino ka man, at Immortal. Sa social media naman, naging sikat ang pelikula nila ni Bea na Once More Chance na kung saan ginagawang Memes ang kanilang mga sagutan bilang Popoy at Basha.
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Nagbunga ang paghihirap ni John na palaguin ang kanyang career lalong lalo ng ito’y isa sa mga naging top actors dito sa Pilipinas. Bukod sa kasikatan at pera, ang beteranong actor na eto ay nagmamay-ari ng isang mansion na may temang French – Mediterranean na nakatayo sa Antipolo City. Nabalitang ang kanyang mga ari-arian ay kompleto na pero dinadagdagan na lang nya kung ano ang nais netong palamuti.
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Dagdag pa, nabalita ang kanyang mansion na eto ay Malaki; may sukat etong 1100 square meters at sa loob neto, merong walong 8 square meter na guest house para sa mga bibisita rito. Ang guest house na eto rin ay may sariling banyo, higaan, sala, at lugar kainan kasama ang kusina.

Sa isang panayam sa aktor, nais netong gawing American feel ang loob ng bahay pero sa huli mas napili neto ang French-Mediterranean na desenyo tulad na lang daw ng mga bahay sa Los Angeles. Ang kagandahan namn kay John Lloyd, nakuntento eto sa kanyang bahay dahil eto daw ay napaka-kuportable. Para sa kanya, hindi gaanong eligante ang kanyang mansion at eto ay hindi ideal sa pag-mumuni muni pero eto daw ang tamang bahay para sa kanya.
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Kung ating susuriin ang bahay nya, halos para etong cathedral na napakaganda ng kisame bukod sa masyado etong Malaki. Bukod dito, makikita sa hapag kainan ang tanawin sa labas na isang pool at harden; ang hapag kainan na gawa sa narra at may upuan para sa sampong tao. Dahil dito, mararamdaman mo talaga ang karangyaan.
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Isa sa pinaka sopistikadang lugar sa bahay ni John Lloyd ang kanyang palikuran na nakaplasta sa ilalim ng hagdan. Merong tinatalang P75,000 ang nagastos dito at para naman sa extended flush lang neto, umabot ng P35,000.

Ang refrigerator naman ay hango sa mga ginagamit ng mga American o di kaya ay ang mga cooking shows na napapanuod nya. Meron ding pond at malaking pool na kung saan naman sa kanyang pond, nagdadagsaan ang mga koi fish.
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Larawan mula sa John Lloyd Cruz House/Real Living
Tama nga naman ang kasabihan nila na kapag ikaw ay masipag at mapagmahal sa iyong trabaho, ikaw ay aasenso.

Source: Real Living