Scammer alert ngayong magpapasko! Alamin ang bagong modus ng mga kawatan - The Daily Sentry


Scammer alert ngayong magpapasko! Alamin ang bagong modus ng mga kawatan




Tuwing nalalapit na ang kapaskuhan, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kabi-kabila ang bonus na natatanggap ng mga Pilipinong manggagawa, nasa gobyerno man o nasa pribadong kumpanya.

Kung kaya naglilipana na naman ang mga kawatan sa mga ganitong panahon.

Warning

Ang naganap na insidenteng ito ay pinagbayad ang biktima ng malaking halaga kahit wala naman itong binibili online. Kaya naman kahit hindi ka mahilig bumili ng gamit online, kailangan mo itong malaman upang makaiwas sa ganitong uri ng scam o panlilinlang. Kung hindi, maaaring magaya ka sa biktimang ito.

Tulad na lamang ng sinapit ng kaawa-awang netizen na si Jeshika Yan.

Dahil sa pagmamalasakit sa kapwa, ibinahagi ni Jeshika ang kanyang naranasang panloloko mula sa online scammer na ito. At para na rin ito ay magsilbing aral at babala sa madla.

Modus Operandi

Sa kanyang Facebook post, idinetalye ng nabanggit na netizen kung paano sya naisahan ng kawatan sa pamamagitan ng bago at kakaibang modus operandi.

Kwento ni Jeshika, bandang alas 5:00 ng hapon nang mangyari ito sa kanilang bahay noong nakaraang huwebes lamang, November 15.

Base sa kanyang pahayag, mukhang bihasa ang gumawa nito dahil nakapagtatakang alam na alam ang kanyang detalye ng mga gumawa kung kaya naman naging matagumpay ang kanilang panlilinlang.

"Nov 15 bandang 5:00 ng hapon may dumating na delivery sa bahay namin and nakapangalan siya sa akin, LEGIT COMPLETE NAME at ADDRESS ko, so nung time na yon nabigla ang mama ko kasi wala naman akong ininform sa kanya na may inorder ako online kasi usually kapag may inorder ako sa online ay sinasabi ko agad sa mama ko na may darating na shipment at siya muna ang mag re-receive ng item", pagsisimula nya.

Ayon din sa kanya, lalo pang napadali para sa mga manloloko na isagawa ang modus dahil walang cellphone ang Mama nya noong panahong naganap ang insidente.

"So ang ngyari ni received ng mama ko ang item without knowing na wla akong inorder 100% sa online and hindi ko masisisi ang mama ko kasi una wala po siyang cellphone, nasa akin po ang cp niya hiniram ko muna kasi sira na ung phone ko at laptop muna pansamantala ang gamit niya", pahayag nya.

Dagdag pa nya, aakalain mo talagang legit ang transaksyon dahil tugma ang pangalan at address ng recipient na inilagay ng mga scammer.

"Pangalawa, nakapangalan nga naman tlaga ang item sa akin tama ang name at exact address at sa isip isip ng mama ko ay busy ako sa work kaya hindi ko agad siya na inform kaya TINANGGAP AT BINAYARAN ng mama ko ang item", pagbabahagi nya.

Ngunit nagulat na lamang ang dalaga ng makatanggap sya ng chat mula sa kanyang nanay na nagtatanong kung para saan ang binili nyang ito online na pagkamahal-mahal.

"Nagulat na lng ako ng magchat sa akin ang mama ko na may inorder pala dw ako na pagkakamahal aanhin ko daw yon. Nag-reply ako sa kanya na wala naman akong inoorder na kahit ano?", sabi nya.

Nasa work umano ang biktima noong nangyari ito.

"Btw, nasa work po ako nung time na yan sa Sto Tomas kaya wla po ako sa bahay sa Batangas City. ( Ang galing tumayming ! )", paliwanag nya.

Sabi pa ng nalokong dalaga, 1,890.00 ang nadali sa kanya sa COD (Cash on Delivery) na palabas ng mga scammer. Ika pa nya, "SHOPALLYOUWANT" ang shop kung saan sya pinalabas na bumili at "XPOST" naman ang courier.

"Halagang ( 1, 890 ) ang nareceive na item at ang nakalagay dito ay from " SHOPALLYOUWANT " na dineliver ni " XPOST"

Kung mahilig kayong mag-transact online, malamang pamilyar sa inyo ang XPost Integrated na totoo at legit na courier. Ito di umano ang ginagawang front ng mga kawatan.

Duda pa ni Jeshika, maaaring kasabwat dito pati ang delivery boy.

Para malaman ang buong detalye at hindi ma-scam gaya nito, basahin ang buong pahayag ng netizen sa kanyang Facebook post: 

Nov 15 bandang 5:00 ng hapon may dumating na delivery sa bahay namin and nakapangalan siya sa akin, LEGIT COMPLETE NAME at ADDRESS ko, so nung time na yon nabigla ang mama ko kasi wala naman akong ininform sa kanya na may inorder ako online kasi usually kapag may inorder ako sa online ay sinasabi ko agad sa mama ko na may darating na shipment at siya muna ang mag re-receive ng item.

So ang ngyari ni received ng mama ko ang item without knowing na wla akong inorder 100% sa online and hindi ko masisisi ang mama ko kasi una wala po siyang cellphone, nasa akin po ang cp niya hiniram ko muna kasi sira na ung phone ko at laptop muna pansamantala ang gamit niya.

Pangalawa, nakapangalan nga naman tlaga ang item sa akin tama ang name at exact address at sa isip isip ng mama ko ay busy ako sa work kaya hindi ko agad siya na inform kaya TINANGGAP AT BINAYARAN ng mama ko ang item.

Nagulat na lng ako ng magchat sa akin ang mama ko na may inorder pala dw ako na pagkakamahal aanhin ko daw yon. 
Nag-reply ako sa kanya na wala naman akong inoorder na kahit ano?

Btw, nasa work po ako nung time na yan sa Sto Tomas kaya wla po ako sa bahay sa Batangas City. ( Ang galing tumayming ! ) 

Halagang ( 1, 890 ) ang nareceive na item at ang nakalagay dito ay from " SHOPALLYOUWANT " na dineliver ni " XPOST "

Nawindang ako kasi wla tlga akong inoorder pero gulat ko nung makita ko ung full name at address ko pero isa lang yung pumalya mali ung CONTACT NO ko !

Kaya na stress ako ng bongga dahil ang naisip ko agad ay na modus kami. 

Sinearch ko agad ung " XPOST " and boom ! Confirmed nga !  dami kong nabasa na same case ng sa amin. Tinawagan ko din ung number na nakalagay dito " cannot be reached at una pa lang alam ko ng gawa gawaan lang ung no na nilagay.

Sa nabasa ko ung information ko ay nakuha nila sa " LAZADA or SHOPPEE " kasi yan lang ang mapapaghinalaan kong kinuhaan nila ng details ko kasi dyan tlga ako umoorder pero bihira lang ndi panay.

Padadalhan nila kayo ng walang kakwenta kwentang item na naka " SUPER SALE " pa ! Tapos mapapaiyak na lang kayo sa laman nito na ubod ng mahal.

Lesson learned na to samin and shinare ko po ito para ma aware kayo sa ganitong modus.

PS : CASH ON DELIVERY ( COD ) po ito.
PPS : POSSIBLE NA KASABWAT NILA ANG DELIVERY BOY ( HINDI KO NILALAHAT, UNG SA CASE KO LANG PO )
PPPS : GINAGAMIT NG SCAMMER ANG PANGALAN NG COURIER NA " XPost Integrated " AT NAME NI SELLER NA " SHOPALLYOUWANT "
PPPPS : FAKE ANG CONTACT NO AT ADDRESS NA NAKALAGAY SA SELLER, WALA PO TALAGANG PHYSICAL STORE NI " SHOPALLYOUWANT " SA NASABING ADDRESS.

Kindly see the pic below 😭
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Photo from Jeshika Yan
Source: Jeshika Yan's Facebook